Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Sunday, October 05, 2008

Malapit na ang umaga (o dilim?nyay...)

With a few days remaining (20 days na lang...syet..pressure) update lang sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko

> Sa wakas! After 2 years in the waiting (2 nga ba or 3 na...or more pa yata), napanood ko na rin ang OLDBOY! At matapos ko siya mapanood, wala lang. Ayos lang. Napatunayan ko doon na ang pelikula ni Park Chan Wook ay pare-parehong surreal, violent, at ang cast ay pare-piareho din (naiba lang yung mga bida). Sa apat na sikat na pelikula ni Park Chan Wook (apat nga lang ba?) tatlo na ang napanood ko. Iyon ay ang Sympathy for Lady Vengeance, I'm a Cyborg but that's OK tsaka itong huli, yung OLDBOY.

> Dahil malapit na ang board, eto ako online pa rin. Hindi ko talaga maiwan itong online life ko eh. Kumbaga eh buhay ko na talaga. Alipin na nitong makinang ito (syet). Good luck na lang talaga sa akin at sa lahat ng magte-take ng board. Kaya natin ito! Whooo!!!!

> Ngayon ay World Teacher's Day. Sabi kanina ni father na ang pagtuturo daw ay isang vocation. Kaya, wala lang. Di pa rin yata namamatay sa loob ko na gusto kong magturo in the future.

> Sa pag-ibig, wala. Deads. Killed. Magandang theme song ngayon ay "Tuyo nang damdamin" kasi kahit na pilitin ang damdamin, hindi na talaga siya sumusunod. Mukhang mali na yata yung teorya ko dati na basta pilitin ko ang sarili ko sa isang bagay, mangyayari at mangyayari iyon. Kumbaga, it's all in the state of mind. Pero hindi pala.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home