Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Friday, August 15, 2008

Do you still recall the frightful night we crossed the rio grande?

....there was something in the air that night, the stars were bright, Fernando...

Oh hello! Kala niyo lyrics na naman ano? I was so occupied these past few days with so much work that is why I am not that much in the mood to relay stories in this blog. And anyway, there is nothing much going on with my life right now. What do you expect from a life of a board exam reviewee? Wala din naman akong love life so anong bago? Napaka monotonous...

Anyway back to the story, do you still recall the frightful night we, oh I mean, "I" crossed the rio grande? Yes, I did cross the cross the Rio Grande. The Rio Grande de España. La grande rivière de l'Espagne. No it is not the Rio Grande of US nor a great river in Spain. Isa siyang baha sa España Avenue. So anong bago doon? Well for starters, I have heard and seen it for years but have not experienced it for myself. So ngayong gabi, naexperience ko siya. Just imagine myself walking in the middle of the puddle in España at 9:30 in the evening. Kakaiba yung feeling.

Hindi naman siya nakakatakot kasi ang dami namang naglalakad. Kakaiba lang kasi normally maingay sa España kasi nga daanan ng maraming sasakyan both south bound and north bound. Ngayong gabi, bangka o kaya SUV lang ang makakadaan sa España. Though, yung naabutan kong level eh kaya namang suungin ng mga jeep eh konti pa rin ang dumadaan. Siguro natrauma yung mga driver dahil noong nakaraang gabi eh ganoon din ang pangyayari. Kaya ako, naglakad mula Tolentino Street (a block away from P. Noval) at kung hanggang saan ako maglalakad, wala akong pakialam. Sabi ko sa sarili ko, kahit maglakad ako hanggang bahay (ay huwag naman sobrang layo na noon tsaka delikado sa Commonwealth) o kaya kahit hanggang Delta pa eh ayos lang. Kahit sumabit pa sa jeep gagawin ko basta makauwi lang.

Kung makakaiwas naman ako sa baha ay iiwas ako. Siyempre sino ba naman ang gustong ilublob ang mga paa niya sa tubig na nagmula sa kung saang lupalop, hindi ba? Eh pagdating doon sa may Trabajo eh may eskinita na wala nang sidewalk na walang baha. Wala ring tulay doon. Kaya, lusong na kung lusong. Sa totoo lang, ang kinakatakot ko lang naman kapag lumusong sa baha ay yung maanod yung sandalyas ko o kaya ay mahulog ako sa butas na hindi ko makita. Awa ng Diyos eh hindi naman inanod ang panyapak ko at hindi naman ako shu-moot sa isang imburnal.

Akala ko, maglalakad pa ako hanggang Welcome Rotonda. Awa naman ng Diyos eh nakasakay agad ako ng FX. Talagang di ko tinantanan yung FX hanggang sa makasakay ako.

[while writing this, nagbabasa ako sa mapuaownage...grrr...nakakapanginit ng ulo yung nalaman ko....sa mga mapuans lalo na yung sa mga EE-ECE-CoE basahin niyo http://www.mapuaownage.com/forums/mapua-general-discussion/2944-news-professor-nabbed-mulcting-students-15.html#post190250]

Nawala tuloy momentum ko..Anyway basahin niyo na lang yan...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home