Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Tuesday, August 05, 2008

My God, what day is this?!?!!?!

This is a very,very,very weird day....

Grabeng araw ito...

Parang sine wave lang...up and down, up and down...

Sige, kuwento mode...

Kailangan kong pumunta ng makati para ayusin yung papers about some of the benefits na matatanggap ko para sa educational plan. Eh since kahapon ay 6 AM na ako natulog, expect na hindi na ako natulog. Tutal 3 PM naman ako nagising kahapon kaya OK lang maligo. No fear of pasma. Ayan off to Makati. I decided to ride the bus para walang hassle sa pila ng MRT. Ang hassle naman pala doon eh ang mahal ng pamasahe. Sus, 60 pesos?!?!grabe kamahal naman niyan uy! Anyway gusto ko naman matulog eh dahil parang magcocollapse na ang puso ko sa pagod (pusong pisikal yan ha..hindi yung emosyonal...although ibang kuwento naman yun...ay meron pala niyan mamaya...hehe).

Ayan, baba sa Ayala corner Paseo de Roxas. To tell you honestly first time ko talaga mapunta sa side na iyon ng Makati. Kasi I've only been dun sa side na malapit sa Ayala station at para pumunta sa Prudential, ang way ko ay through SM, Glorietta, Landmark then Greenbelt. Kaya medyo na natakot ako at naoverwhelm. Sabi ko parang mas natakot pa ako dun kaysa sa Quiapo at Avenida. Pero sa isip ko, pangarap ko pa naman na magpunta sa ibang bansa tulad ng España tapos matatakot ako sa Makati lang. Kaya yun, carry lang. Sabi ko naman sa loob ko, "Lord galing mo naman. Kahapon maulan tapos ngayong may nilalakad ako eh hindi masyado. Thank you."

Sakto naman nung nasa loob na ako ng building umulan tapos may kailangan pa palang papers na fill up-an ng nanay ko kaya kailangan kong bumalik dun. No biggie kasi may payong naman ako at given naman ang allowance ko for this day kaya sakto lang. Kaya sabi ko, I'll treat myself to a good lunch. Gusto ko ng World Chicken.

Hinanap ko siya sa Glorietta and apparently, kasama yata siya sa sumabog dati dahil hindi ko siya makita. So I had no choice but to eat at World Chicken sa SM Manila. Ayun, I treated myself to two sidings at yun ay Española rice and Fettucine al torno at ang chicken ay may brown gravy. Yum yum! So full at wala pang tulog ang kalalabasan mo ay sobrang hilo ka na at gusto mong matulog. At nang palabas na ako ng SM Manila, guess who I saw? Si....ok fine wala naman siyang blog (pero ang tropa ay meron so alam niyo na yun). Napakagandang addition niyan sa hilo ko. Kaya bumili na ako ng candy paglabas dahil feeling ko susuka na ako dahil sa sobrang dami ng kinain ko at (hindi naman ako nasusuka dahil nakita ko siya, grabe naman).

Tapos off to review. Nakuwento ko na ito kay Mitch na may "crush" ako sa review. Di naman siguro ito crush. Paghanga na todo lang. Weakness ko kasi ang "men of substance" (at nakasalamin?patay ako nito sa mga kareview ko). Na-sad pa tuloy ako kasi may sakit siya (ay wala na.."killed" ako nito.."tugsh"). Ang ayus pa niyan ay naiwan ni sir (ay wala na killed na talaga) yung jacket niya. Sayang, gusto ko sana ibalik kasi sa tabi ng upuan ko niya naiwan. Eh ibabalik naman siguro nina ate yun pag naglinis sila sa room.

Ayan gabi na. Nakita ko online si Ma'am kaya binati ko siya. Bati ba naman niya "mahal mo pa ba si _ _ _ _ _?" Sabi ko, ayus ah..hehehe. At sakto naman ng gabing ito eh ayan, kausap ko si _ _ _ _ _. Napagusapan namin na medyo may problema siya sa kanyang relasyon at plano niyang makipag..alam niyo na. Panguna pa nga niya "may kasalanan na naman ako sa inyong mga kababaihan". At guess what kung ano ang playing na background song ko sa utak ko. Ang walang kamatayang kanta ni Bituin Escalante "kung ako na lang sana..."..damn. Kausap ko nga noon si anna eh. Sabi niya, grab the opportunity. Sabi ko, ayoko kasi takot ako sa karma. Makukuha mo nga ang bagay na gusto mo pero may masasaktan sa pagkuha mo nito? Huwag na lang. Mas OK lang na ako na lang ang masaktan, huwag na lang ang iba. Tutal sanay na ako sa ganyan. Dasal ko nga kanina "Lord, kaya ipagpaliban ang love life pero ang board exam hindi." Kaya ko nasabi yan kasi may nabasa ako na " Lahat ng ginawa at inasal mo, sa board exam ang balik sa iyo".

Naalala ko tuloy yung text ni _ _ _ _ _ noong isang araw na gusto niya daw ng adventure. Gusto kong biruin na mangaliwa ka kaya at gawin mo akong kabit. Pero siyempre, huwag! It is super against my principles. Even entertaining such thoughts. Shet. Matakot ka sa karma.

Kaya, aral na lang.

SHHHHHH


0 Comments:

Post a Comment

<< Home