Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Tuesday, July 15, 2008

New addictions[ am I becoming French? ]

Dapat talaga nagrereview ako eh..pero I can't stand sitting for hours forcing myself to study. Sayang lang kasi kung ipipilit di rin uubra.

Despite of that, I never neglect naman yung mga kailangan kong gawin. I do my part by trying to read at least somethings for a day para naman di masayang yung araw ko.

At dahil doon, nakahanap ako ng mga ibang dibersyon. They may be diversions but they are still beneficial to me both for pleasure and for the intellect.

Ang huling post ko yata dito ay tungkol sa napanood kong movie na La Mome or La Vie En Rose. Ayun, dahil lang naman doon ay medyo naadik ako sa pagkanta ng kanta ni Edith Piaf. Well, di naman lahat ng kanta niya. Dalawa lang kasi yung nagcatch ng attention ko doon sa movie. Yung una ay yung Padam, padam. Kakaiba kasi yung tunog eh. Lalo na yung matunog na "Padam, padam, padam" tapos biglang nagcollapse si Edith Piaf sa stage. Kasi may sakit na siya nung kinanta niya na yun eh. Eh tipong makaubos hangin talaga yung mga kanta niya. Tapos yung isa ay yung Non Je Ne Regrette Rien. Bakit nacatch yung attention ko? Kasi yung 'rien' niya parang 'rian' kaya nung kinakanta niya parang puwede mong gawing " No, riyan durian. No, wala tayong durian" (hehehe joke lang). Pero kidding aside the song Non Je Ne Regrette Rien is a very meaningful song. It may be brief but the lyrics are very much full of conviction. The title itself means " No, I regret nothing" . O di ba? Ang taray! Parang This is my Life ni Shirley Bassey (ay Dame na pala siya).

At dahil sa kaadikan sa kantang yan, naghanap pa ako ng ibang kanta. Hinanap ko yung French National Anthem. At nakita ko na naman si Edith Piaf. Hanep yan si Edith Piaf pa rin? Grabe napakainfluntial na niya. Pero later on nalaman ko na hindi pala si Edith Piaf yung kumanta kundi si Mireille Mathieu ( at kaya naman pala, dahil katunog niya si Edith at idol niya rin pala...). Yung unang download ko pa nga ay hindi gumana sa media player dahil mali daw yung encoding. Kaya ayun, nagdownload pa ako ng isa na sa ibang singer naman. At wow, ang ganda ng lyrics (hinanap ko..trip ko kantahin eh). Napakapowerful ng mga meaning niya. First line pa lang nagyayaya na sa giyera "Allons enfants de la Patrie, Le jous de glorie est arrive!" na ang ibig sabihin ay "Rise children of our country, The day of glory has arrived". Kaya naman kasi ganoon yung lyrics dahil composed yan noong may Prussian War sa France (ganyan talaga ako pag na-adik todo research. kaya nga sabi ko sana machannel yung ganyang kaadikan ko para sa board). Pati yung pagkakakanta nila para talagang galit at handa nang lumaban sa lahat nang manggigiyera sa France.

Parang ang sarap pag-aralan ng mga national anthems ng mga iba't ibang bansa. Parang it reflects kung ano yung kultura ng bansang iyon tapos kung paano nga ba napeperceive ng mga tao ang bansa nila, kung paano nila mahalin ito. Dati ang tingin ko lang sa mga taga France mga maarte magsalita, mahilig sa wine, extravagant ang buhay. Pero dahil sa La Marseillaise (ay oo nga pala yan yung title ng French National Anthem), naiba paningin ko sa kanila. Nakita ko na sila ngayong matatapang na tao. Para kasing hindi sapat si Napoleon Bonaparte eh. Siguro nga mas tumatatak sa akin kung arts o musika ang pagbabasehan.

Sayang kung may pagkakataon eh mas gusto ko pa sana alamina ng tungkol sa Espanya kasi yun nga yung inaaral kong language pero sad to say ang national anthem nila ay walang lyrics. Yes, walang lyrics ang national anthem ng Espanya. This year sana lalagyan kaya lang may mga isyu tungkol sa lyrics. Ang pulitika natin ay hindi naman nalalayo sa kanila. Alam niyo na. Politics. Haaay.

Kaya doon muna ang mga interes ko. Sa mga national anthems. Aside from our own national anthem, masasabi kong favorite ko ang La Marseillaise.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home