Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Friday, June 13, 2008

From Mapua to Mapua

Super trip ngayong araw na ito..

Dahil umiiral pa rin ang mga hormones ko sa katawan kaya madali ako mainis sa mundo ay nagpaka-'isolate' mode muna ako sa field trip..Yeah right as if I care...wahahaha

Well anyway, dahil sa mga sakit na naramdaman ko ngayong araw (dahil sa overeating at pagsakit na naman ng lungs ko..wow nararamdaman pala yun...wahahaha), senti mode ako habang pauwi galing field trip..

Oo nga pala, di ko nakuwento na merong field trip ngayon. Una, sa ATO...na naman...hahaha..I was there mga late last year yata...basta ganun...pero this time, dun kami sa tech center...kumbaga eh yung pinaka-lab nila...last time kasi dun kami sa facilities mismo...so kumpleto na yung trip!

Sunod naman ay sa AMKOR...tungkol siya sa semicon...yun lang...pinakita lang yung ilang facilities nila...meeehhh...wala lang...ang ganda kung ganito lang ilalagay ko sa reaction paper...wahahaha...

Anyway,back to the story...dahil nga sa mga medyo sakit-sakit na naramdaman ko ay nagsenti mode ako sa buhay...napansin ko kasi na ang gaganda ng mga ipil tree ngayon...the flowers are in full bloom...red na red...parang the trees are on fire but a very lovely fire...ganun din sa paligid ng express way...parang nag-aalab sa kagandahan ang mga puno kasama ng mga luntiang dahon nito na lalong inaakit ang aking mga mata sa ganda ng kalikasan...kaya sabi ko, bago ako mamatay mabuti at nasilayan ko ang ganitong kagandahan sa mundo...tapos natulog ako dahil nga nahilo ako sa over-eating (cholesterol?) at masakit ang lungs ko at pag-gising ko, tuloy ang senti...nakita ko manila bay...sabi ko, bago ako mamatay gusto ko masilayan ang paglubog ng araw sa baybayin ng maynila...yung tipong unti-unting bumababa ang malaking bola ng apoy patungo sa napakalawak na karagatan...tapos nakita ko pa yung green na damo sa may ccp...gusto ko pag namatay ako sa ilalim ng luntiang damo ako mahimlay..habangbuhay...siyet ang morbid ko...

Kaya ayun,pagbaba ng bus eh tuloy ang senti mode...kaya nasabi ko dahil maaga pa naman,gagawin ko ang experimento ko...ang sumakay ng diretsong bagong silang galing sta cruz...eh super senti nga ako di ba?kaya nilakad ko mula mapua hanggang doroteo jose kung saan naroon ang terminal ng bus...pagsakay ko ng bus, napansin ko na yung terminal ay ginibang gusali...napansin ko yung mga lumang bakal at pati yung composition ng kongkreto niya...nasabi ko wow ang laki ng graba...hindi tulad ng ginagamit ngayon sa pambuhos...tapos naalala ko, yun nga pala yung lumang Mapua...wow!ang Mapua noon (mapua high in most recent years) ay isa nang terminal ng mga bus na papuntang bagong silang, novaliches at sapang palay...wow...naisip ko, sayang naman...di ba puwede ipapreserve yun sa national historical institute dahil malaki naman ang historical value nun...sayang...

akalain mo sa isang araw ay napunta ako sa Mapua ngayon at Mapua noon...na naglakad ng higit sa isang kilometro...hindi naman kasing laki ng UP ang Mapua para magkaroon ng isang kilometro sa loob ng pamantasan na ito...

sayang...sayang na nakalipas...nabaon na lamang sa ilalim ng mga guho at mga gulong ng bulok na bus...sayang,sayang

0 Comments:

Post a Comment

<< Home