Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Thursday, December 01, 2005

of keyboards and other peripherals(mas ok na version)

Since sinimulan ko kagai ang pagpopost tungkol sa aking "keyboard" experience, itutuloy ko na ngayon.

The other night,errrr...I mean day, naisipan ko na pag-uwi ko ay lilinisin ko ang keyoard ko kasi medyo sumasabit na yung mga keys at para mas masarap ang mag-type.

Edi the usual thing na ginagawa ko is to remove all the keys(when I say all, I mean all the keys grabe). Isa-isa ko silang tinanggal and true enough,maduminga ang nasa ilalim ng mga keys.

Meron ako ditong isang kalahating litor ng alcohol(ay alcologne lang pala..hehehe) kaya ok lang na gamitin yun na panglinis.

Dahil noong araw,nabasa na ang keyboard ko at hindi ito nag-function ng maigi, napagtanto ko na ingatang wag mabasa ang loob ng keyboard at baka mag short circuit( which means na walang current...urrrghhh...circuits!)

And true enough(again!), nabasa nga ang loob ng circuit ng keyboard ko. If you're not familiar of how a circuit of a keyoboard looks like, it's like a plastic sheet na may mga drawing drawing eklavuh na matutunan ko rin pagdating ng panahon kunga no ang explanation dun. But for now, all I cans ay is that the "plastic sheet" like circuit is the one responsible for making your computer read the texts that you input in the system(naman!ang technical!waaahhh....)

Anyway ayun. Pinunasan ko yung basang parte ng circuit(kasi nga naman parang plastic lang siya at di niya ina-absorb ang liquid). At matapos nun ay binalik ko na yung likod nung keyboard(siyempre, I have to unscrew the whole thing and screw it again).

Nung tinesting ko nung una, ayos naman. Pero nung bumalik ako galing sa panonood ng Pinoy Big Brother ay di na gumagana ang ibang mga keys!!!!waaaah!

Siguro mga naka-limang beses ako o higit pa ng kakaukas at kakabalik ng screw. Naloka na nga ako nun eh. Akala ko nga eh nasira na yung pinaka-circuit niya. Iyon pala, di lang mahigpit ang pagkakascrew kaya hindi nagfufunction nang maayos ang keyboard.

At dahil sa mga pangyayaring ito, namulat ako sa mga nilalaman ng keyboard.

For the benefit of the readers, ang keyboard, maliban sa ginagamit natin na pang type, ay mayroon pang internal parts. Sa loob nito ay mayroong:
1)"plastic sheet" like circuit na naglilink sa PC mo mula sa computer.may tatlong layers nga pala ito at yung nasa gitna...hmmm..mukhang mga semicon yata yung mga yun di ako sure
2)mga gummy thingys na nagiging dahiln kung bakit nababasa mo ang tinype ko. bale, sa pagpindot mo ng key, saay ding lumulubog ang "gummy thingy" na ito at lumalapat duon sa "plastic sheet' like circuit
3)mini circuit.nakikita mo ba iyong tatlong ilaw sa may upper right corner?oo may circuit diyan.diyan din nakakabit yung wire nung keyboard. at diyan ay may parang fastener na gawa yata sa goma o soft plastic yata(di ako sure).
dun sa likod ng circuit(green part) ay mayroong parang black na nakdakit. di ko alam kung ano yun. sa circuit mismo aymay tatlong diode(para makita mo kung ano yung caps lock,num lock at scroll lock). may capacitor din na may 10 micro farads at may rating na 25V. may resistor din na isa na 51 kilo ohms na may +/- 5% pa.

Iyan,mahirap mag-ayos ng keyboard. Buti na lang at naayos ko na yung sa akin.hahahahaha!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home