Engineer na ako...yey!

Ang drama naman ng post ko..on a lighter note na lang, ito yung nangyari sa akin nung board exam
Math - ayos, medyo solvable. kahit na hindi ko masyadong gamay yung related rates (hindi ko talaga mapalabas yung sagot eh..paano ba yun?), solvable naman yung problems. galing ng coaching kasi may isang folder talaga na nilaan para sa topic na yun. tipong 100 na differential calculus problems.
Elecs - pagkita ko, wow!parang virtual lang. yung mga weird terms lumabas. kaya lang di ko masyado naaral pagdating dun sa mga transistors kaya medyo kabado. yung mga saybolt, czachroisky (whatever), tsaka pati yung mammogram lumabas...mukhang busy nga talaga si sir bajador
GEAS - nung second day medyo pagod na ako. di kasi ako nakapahinga ng maayos. nung gabi kasi sinimulan ko pa yung Yamato Nadeshiko Shichi Henge. kaya ayun, ang sakit sa ulo. kasi yung tanong tipong yun na eh. pag di mo talaga alam ang sagot deads ka. andun pa yung honey tsaka yung kapal yata ng steel. ay ewan ko dun! kinabahan pa nga ako kasi habang kumakain ako ng fudgee bar eh may nalaglag na morsel dun sa answer sheet ko..waah!it's over na ba ito?pero sa dulo lang naman yung nalagyan..di dun sa mga sagot mismo...ayos naman
EST - medyo hula mode din though may binigay kasi sa akin ang isang kakilala ko days before the exam na mga questions tsaka may sagot na sa choices...ayos may mga lumabas din naman..yung iba nirely ko na lang sa binasa ko dati. tapos nung donation na, binigay ko lahat ng pencil, ballpen, triangles, sharpener tsaka eraser ko. sabi nga ng watcher sa akin "di ka na babalik?"..sabi ko talaga, hindi na po (with a smile on my face..nye!?)..
kaya ayun...susunod naman, iniisip ko pa kung mag-aaral ako ng Educ, Law (nye?) kaya masters...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home