Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Friday, December 30, 2005

Who bothers anyway?

Sa totoo lang, di ko naman talaga naging ugali na isulat ang lahat ng nangyayari sa akin eh...

Di ko alam kung bakit pero,mukhang di ko lang talaga ugali ang magsulat..

Kapag naiisip ko nang magsulat, tinatamad na akong gawin..

Pero nasasayangan ako sa ideas ko eh, lam mo yun? Andun na eh,isusulat mo na lang..

Nakakainis kasi yung mag circumstances eh, may point na naglalag yung connection mo kaya ayaw mo na magsulat..

Ngayon pa naman na kailangan ko magsulat para sa org namin. So, I'll just put my thoughts in here.

Gaya nga ng title ko, who bothers? Sino nga ba ang isang luku-lukong magbabasa ng mga sinulat ko.

Pero come to think of it, bakit nga ba most people keep blogs? Siguro para sa iba, siguro para sa sarili nila.

Minsan nakakatuwang magbalik sa mga alalang napagdaanan mo na. Halimbawa, noong panahon na iyon, you were so in love with this person at ngayon, nalaman mo nang di kayo para sa isa't isa talaga and you have learned to let go. Kaya who bothers? ME.

The next time I write something, I shall read this to remind me that I should not only write for the sake of others but also for me.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home