Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Wednesday, April 11, 2007

As requested...

As requested nung kakilala ko,maguupdate ako nitong blog ko dito sa blogger...hehehe

ano na nga ba ang nangyari since January?

malamang marami na...

So saan ko sisimulan yung update?sa school work?so lovelife?(meron ba ako nun?)...

Sige sa schoolwork muna...

So ayun,sa awa ng Diyos ay naipasa ko naman ang lahat ng subjects ko...pati MSEG (yun ang nasa huli kong entry eh)...anu nga bang subject ang muntikan ko nang hindi maipasa?siguro yung industrial lec na lang...kasi parang walang kasiguraduhan dun eh for the past term...natakot lang ako nung magparetake si Ma'am Martin sa Com lec kasi nakakatakot siya..galit talaga siya eh..buti na lang at di ko masyadong nareview yung OT...bamban yung first take ko panigurado eh..medyo mas may kumpiyansa ako dun sa retake kaya ayus lang...

Sa Industrial Lab,ayus naman..mas natuto nga ako dun eh..ang saya nun kasi gabi yung klase...di ko malilimutan ang bukambibig ni sir na "O class,via relay tayo ha...via relay"...hehehe...memories...

Sa Comm Lab ako napahiwalay sa mga tropa ko...pero ayus pala..kasi mukhang nahirapan sila doon...in a way blessing na rin yung MWF kong Matsci...di nga gumana yung prototype nila eh...isang protoype lang ang nagana sa lahat ng hawak ng prof nila..at dahil dun,marami ang na-first blood..tsk tsk...sa tropa tatlo ang nadali eh..

Ah oo nga pala...yung tropa na sinasabi ko yun yung new found friends ko...ayun mas maraming time para magbonding at maging mas close..hehehe...(may mga namumuo ding love team sa panahong ito..yihee!!!..hehehe)

At yung kay "Araw"?..ayun,alam na ng tropa...at siyempre alam na rin niya...pero in fairness kinabahan ako nung nalaman niya eh...akala ko magkakaiwasan..buti na lang at hindi dahil 'cool' lang siya...

Paano nga ba niya nalaman?Ganito yun...

Industrial electronics namin noon...siyempre nasa likod kami at walang magawa...natripan niyang tanungin si cheche (friend ko) kung sino inspirasyon niya ngayon...natapos na at nahulaan niya yung kay cheche..biglang hirit siya na "Sino kaya yung kay Lori?"...aba!akalain mong nacurious si loko...sabi ko..naku huwag na,hindi mo dapat malaman...si cheche naman nagbigay din ng clue..halos magkalapit din yung mga clue dun sa inspirasyon niya eh..nasa room,nakapula kahapon(feb 14 yung kahapon at may event sa org),kung sa nakatshirt hindi namin sinabi kasi huli na kung magkagayon dahil nakapolo siya..tapos may 'I' sa first and last name...e di hula naman itong si "Araw"...hanggang sa nagets nung katabi niya na siya yung tinutukoy..at mukhang gets niya naman na talaga (ni Araw.....
Dahil vacant iyong susunod na klase,kumalat na sa buong tropa at tinapik nila ako ssa likod...aw alam na nga nila,sabi ko sa loob loob ko...si Araw naman (hrrrr..naiinis na akong pangalanan siyang Araw...Aldrin na nga lang para matapos na) dumeretso sa e forum para maglaro ng DOTA...nung prob stat na nila nung 430..aba pagdating ng room (kuwento lang sa akin ito nina cheche at eyok) tinapik naman siya sa likod ng halos lahat ng lalaki sa tropa...tapos sabi...o bakit?...at yun ang kuwento kung paano niya nalaman


Marami na ang nangyari simula nun...di naman siya umiwas,di rin ako umiwas...ang naiba lang siguro ay tinutukso na nila ako ngayon sa kanya...haaay...

Para sa iba pang kuwento,check niyo na lang ito my other blog

Pramis next time,uhmmm synchronized na yang dalawang blog na yan para masaya..hehehe

0 Comments:

Post a Comment

<< Home