Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Tuesday, February 28, 2006

Mas tuso

Sa mga nangyayari ng nakalipas na araw, hindi ko talaga alam kung paano ako tutugon sa mga pangyayari. Noong mas bata pa ako, malinaw sa akin kung ano ang pananaw ko sa mga ganitong bagay. Kaya nga pumunta ako noon sa EDSA kasama ng mga magulang ko dahil sa kamusmusan ko. Napansin ko sa sarili ko na naging "apathetic" o walang pakialam sa mga pangyayari sa aking paligid. Marahil ay dala na rin ng linya ng pag-aaral ko o kaya ay sa dami ng ginagawa ko. Ngayon lang ulit ako makakapagsalita tungkol sa mga isyung politikal at ngayon lang ako makakagawa ng ganitong post na sabihin na nating medyo may konti, konti lang namang anghang.

Ang masasabi ko sa pangulo, mas tuso siya kay Marcos. Isipin niyo na lang, wala pa ngang nangayayi ginagawan na nila ng aksyon ang mga sinasabi nilang "conspirators" o mga nag kuntsaba upang mapatalsik sa puwesto ang pangulo. Wala naman ako sa posisyon para sa sabihin na ang pangulo ang tuso. Marahil ang mas tuso ay ang mga nakapaligid sa kanya. Noong panahon naman yata ni Marcos ay may mga nangyari muna tulad ng mga demonstrasyon bago niya pinahuli ang mga gusto niyang ipahuli. Ngayon talagang inuunahan niya na ang mga kalaban niya bago pa man ito umatake sa kanya. Grabe, mas tuso pa siya kay Marcos. Naisip kaya ni Marcos noon 'yun? Siguro kaya mas naging tuso ang gobyerno ngayon dahil alam na nila ang pattern ng pagpapabagsak ng gobyerno dahil doon din naman sila nagsimula 'di ba? Kailangang malaman ng kasalukuyang pamunuan na ito ay nalulok sa kapangyarihan hindi dahil sa isang konstitusyonal na paraan ngunit dahil sa sigaw ng lansangan.

Ngayon, kung sakali namang mapatalsik nga nila ang pangulo sa kanyang puwesto, ano naman ang mangyayari? Sila ang papalit? Para sa akin, pare-pareho lang sila. Wala silang ibang hangad kundi ang KAPANGYARIHAN! Hindi na nila kailangang magbalat-kayo na ginagawa nila ito upang maakit ang simpatiya ng mamamayan. Alam naman ng ibang mamamayan,isa na ako doon, na ang gusto lang talaga nila ay magkaroon ng kapangyarihan na mapatako itong bansa. Pare-pareho lang kayong GANID!MGA MAPAGBALAT-KAYO. AT KAYO NAMANG NASA PALASYO AY MGA TUKO! KAYA NAGKAKAROON NG LAND SLIDE EH. GUSTONG IPAMUKHA NA GUSTO NANG MABURA...MABURA ANG KABULUKAN NG SISTEMANG ITO. NAISAKRIPISYO PA TULOY ANG BUHAY NG MGA KABABAYAN NATIN SA LEYTE NGUNIT HINDI NIYO PA RIN NAKIKITA ANG IBIG IPAHIWATIG NG TRAHEDYANG IYON!KILABUTAN SANA KAYO!!!!!!!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home