Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Friday, March 31, 2006

Enrollment,DVD,La Mesa Eco Park and The Classic Exploits part 1


ok this is the start of a very long post...(magawa ko nga kayang long ito?)
well anyway,all of these happened on March 29..the 4th anniversary of Rico Yan's death(man,ganun na katagal yun?graaabeee)..pero walang kaugnayan ito kay Rico Yan..dito nagsimula ang pag-ayos ng buhay ko..ayos?anong ayos?ayos sa maraming bagay...simulan natin sa umaga...

nagising ako around 2:30 AM kasi nga hindi na ako sanay matulog sa gabi...napilitan lang ako matulog noong gabi dahil enrollment ko bukas...oh yes...enrollment..kung saan nagiging lakwatsa galore ng mga estudyanteng nakakuha na naman ng mga kickback sa mga kaawa-awang magulang na nagsisikap upang mapagtapos sila sa pag-aaral(parang ako hindi rin humingi?hehe..binigyan naman ako ano!di ko hiningi..)dahil mahaba pa ang gabi..nagbasa muna ako ng librong nasa taas..haba ng title eh so tingnan niyo na lang...i'll just prepare a post for the summary of that book...

on with my story..the time came for me to go and face the world with my bangag look...i decided to wear my brown sleeveless shirt with the frills in the colar hanggang sa neck line tsaka shorts tsaka sandals...nagdecide din akong magdala ng tali sa buhok kasi expected ko na magiging mainit ngayon...at iyon..sumakay na ako sa bus na ordinary dahil gusto kong makatipid at nagdala na rin ako ng libro,panlaban sa inip ng haba ng pila sa school mamaya...

pagdating ko ng school una kong nakita si royce,ang masugid na manliligaw ngayon sa kaibigan kong si sheena..sabi ko,uy hinihintay mo ano?!sabi niya kaalis lang daw...kaya ayun..tumuloy na rin ako at nakita ko naman si Ishi at Rap na kapwa may hinihintay...hanggang sa nagkaipon na kami doon...actually magbabayad na nga lang ako ng tuition(1455.00) at kukuha ng CM but still,naghahanap lang siguro ako ng makakausap o kaya ay makakasama...nagsimula ako officially by 830 and natapos ako within 1 hour kahit na tumagal dahil bumalik pa ako sa Window 2 ng treasury dahil sa problema na kung ano...anyway...umalis din naman kami ng school around 10 or 1030 dahil sa marami pang...chika!as in nagchika-chika pa kami....


waa tinatamad na ako magkuwento..tsaka na ulit..bukas?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home