Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Tuesday, November 13, 2007

Kawindangan day ever....

Kawindang windang talaga ang araw na ito...whew!

Super mixed ang mga naramdaman ko grabe...

Nung mga medyo maaga-aga,light pa yung mood kasi parang wala lang,ordinaryong araw..kaya carry lang..

Nakuha ko na nga pala yung bracelet na gawa ni ma'am Cyrel (thanks!)...cute!I love the color...it's red!hehehe

May assignment nga pala kay sir Jaye. At siyempre, may seatwork yan na katambal. The weirest thing that happened is that I was reluctant to cheat. Even if I had the whole time before the class to write whatever it was on my assignment, I didn't do it. It seems that my conscience is getting stronger now (hahaha....why?was it ever weak before?)

Ayun wala na naman si Ma'am Ruiz kaya halos 3 weeks na akong every TTh na nakaformal...hahahaha...

At ito na ang simula ng pinaka nakakawindang na pangyayari sa buhay ko ngayong araw:

Edi umuwi na ako galing school.Inabot na ako ng 8 kasi trip ko na may kasabay pauwi kahit man lang sa madilim na daan ng Intramuros. Sumakay ako ng isang fx. Sa may bandang Roosevelt sa Quezon Ave, naflatan kami. E nakabayad na ako kaya hinintay ko na lang na matapos ni manong ang pagpapalit ng gulong. In fairness naman less than 10 minutes lang tapos na magpalit si manong. Habang nagpapalit siya ay napansin ko na medyo maraming ambulansya at kapulisan na patungong norte. Yung mga ambulansya pa man din galing ng Red Cross. Deadma lang ako pero medyo na-alarma ako. Feeling ko may aksidente o pagsabog. Pati nung nasa may UP na ako may mga bumbero naman. Tapos napansin ko doon sa may Malvar Hospital na ang daming ambulansya. Edi nagtext ako sa tatay ko na tumawag siya. Kinabahan ako na malay ko ba na may vehicular accident or whatever. Nung tumawag ako nasa may Sandigan na ako. Sabi ng tatay ko na may sumabog daw sa Batasan. Akala ko naman sa may congress lang. Iyon pala sa loob mismo. Grabe,nawindang ako. Imagine, sa loob mismo ng congress sumabog?Whoa....

Ayan sabi sa news ngayon may bahid politika daw. May namatay na nga ngayon eh. Dalawa na ang isa doon ay Congessman.

Kung papairalin ko ang mala conspiracy theory na utak ko, sasabihin ko na kagagawan ito ng gobyerno. Pati yung sa Glorietta kakagawan nila. Hindi ko maielaborate kung paano pero basta. Wala lang,naalala ko lang kasi yung post ko dito na TUSO ang gobyernong ito.

Pero siyempre,hindi naman talaga ako conspiracy theorist. Ginawa ko lang yung statement na yan in a conpiracy theorist's point of view. Sa akin,ipagdadasal ko na lang ang mga nasugatan at ang kapayapaan sa bansa. Our country is in dire need of prayers. We should all pray and ask God for guidance.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home