Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Thursday, December 25, 2008

What Happened After...

ano nga ba nangyari sa akin after the board exam? di na ako nakakapag-blog ng matino after that so here's a load down of what has happened..

>>after pumasa ng board, ako ay naghanap ng trabaho. masigasig naman ako maghanap eh. and kung ano man ang unang tumanggap sa akin eh sunggab agad. at iyon, sumunggab nga naman ang gaga. nabulag sa ganda(?) ng title...and fringe benefits (what do you expect?it's my first time?!?!?!)

>>pumasok ako ng first day sa aking work (ayoko ng sabihin ang company...nakakahiya...sa company..wahehehe). well it was OK...after all training lang naman siya..so it was like school na parang meron kaming teacher and we have exercises...it went on for a week...

>> then sunday came, ang araw ng oathtaking..dun ko narealize na what the heck? isa akong engineer and here I am in this job wherein people would call me to complain about the products and services of a certain company or ask help to whatever problem that they have about the product. heck, I am worth more than this.

>> then the opportunity came. meron daw akong final interview para sa isang semiconductor company. eh di nawalan na ako ng gana sa company na yun. the call came in monday and they wanted me to come to their office daw by wednesday. so tuesday, tinatamad ako pumasok.as in parang batang ayaw talaga pumasok sa trabaho...
at parang may sign, naiwan ko ang wallet ko at nasa kalagitnaan na ako ng biyahe!waaah. kaya umuwi na lang ako. at hindi na ako nagreport ulit dun sa "work". ewan ko kung sinasadya ko ba na iwan ko yung wallet ko o aksidente...anyway

>>wednesday came at ayun. nandun ako on time (mas maaga pa nga eh) only to find out na may "emergency meeting" daw sila at tatawagan na lang ulit (as of press time di pa rin ako tinatawagan...and that happened a month ago..so wala na yun talaga)...siyempre ang aga ko di ba so medyo bad trip...buti na lang first day of showing ng twilight so I just watched the effin movie...

>>mga 2 weeks after ng pag-AWOL ko dun sa company, I received my termination letter..yey!terminated na ako...though di ko pa nasesettle ng maayos sa company yung termination, the hell I care..sa kanila na lang yung 5 days worth of salary ko...sayang lang yung ATM ko di ko pa nakuha and up to now, di ko alam kung pupunta pa ako dun sa company or hindi na and just let it be..

>>kasal ng pinsan ko last December 13 and isa ako sa mga abay..dun pa nga ako nakitulog sa hotel sa Malolos.. and I can tell you na the food was great! on the eve of their wedding, hindi ko kinaya na magpigil sa weakness ko...meron kasing grand piano dun sa hotel eh bihira lang naman ako makapag-play ng piano at sa grand pa..eh when I went down sa lobby, may mga nagkakantahan sa may piano and they were guests dun sa Christmas Party ng Banco De Oro employees..they are big clients I think and one of them is the dance instructor para sa presentation nung isa sa mga group of employess...at sa grupong iyon na nasa may piano,all of them are gay...hindi naman sa nagdidiscriminate or anything, wala lang fyi lang...so nung medyo umalis sila ng konti eh pumuslit ako bigla doon sa piano and started playing...at nakiupo sila at nagrequest ng kanta...buti na lang medyo alam ko yung ibang kanta...basta alam ko yung kanta, kakapain ko lang naman yun and give me a few seconds and voila!you can sing...wahehehe...they even gave me food from the party..dun ko nga rin pala nameet yung pinsan ko and offered me a job sa company nila..ang tanong niya sa akin "marunong ka ng C++ di ba?"...sabi ko naman siyempre oo naman...madali lang yun (yeah right..wahehehehe..)..nagpagawa pa pala ng speech yung tita ko kasi kailangan daw magsalita ang parents ng groom...what the?ano ba alam ko sa pagpapakasal?let alone sa relationship...kaya hagilap ng mga super friends and I would like to thank eyok sa pagiging insomniac niya dahil nagkaroon ng speech tita ko..wahehehe

>>saturday yung kasal ng pinsan ko and monday pa lang sabi sa akin ng pinsan ko report daw ako kinabukasan[tuesday] para sa interview..ayun sabay kami nagpunta sa "company"...actually bahay lang siya and it is a small company with big clients...so ayun ininterview ako,sinabi pa pala ng pinsan ko na nag jajava ako minsan..what the?sinabi ko na lang na konting-konti ang alam ko sa java (ang alam ko lang ay pang-applications siya at later nalaman ko na medyo malapit din pala siya sa C)..so ayun, ang naginterview nga pala sa akin ay yung may-ari mismo...at later ay yung HR/Marketing person nila...saya no?baligtad..wahehehe...so yung may-ari inexplain sa akin yung mga ginagawa nila and yung magiging project...byt the way ito nga pala yung website ng company www.pixillusion.com.ph
nung hapon sinabi ng pinsan ko tanggap na ako..sabi niya naman sa akin sure naman na tanggap na ako eh...ang magiging problema lang eh yung suweldo ko..baka daw mahal ako sumingil..hello?cheap lang ako (ay ang pangit pakinggan)..di naman ako demanding...I consider myself a novice kahit sabihin natin na technically and officially by law isa na akong engineer pero kulang pa ako sa technical expertise (which is practically, almost none?hindi naman siguro considering the training(?) we had during college)...so ayun, nagreport ulit ako last friday for orientation..ang orientation ay pagiinstall ng C#...wahahaha...so ayun nga pala yung gagamitin kong language C# at gagamit din ng mySQL...good luck sa akin...

>last saturday nga pala ay nagkaroon kami ng Christmas party sa tropa...ang saya!best christmas party ever!...and masasabi ko na rin na one of the best bus trip ever...pansin ko lagi na lang sa biyahe kami nagkakausap ng ganun eh...kailangan may motion?wahehehe...

>pasko...bisperas ng pasko tumawag ang tita ko sa tatay ko (panganay niyang kapatid..siya ang bunso) at pinapapapunta kami doon sa bahay sa Galas...excited ang tatay ko dahil lasing siya at makikita niya yung pinsan ko na inalagaan niya din nung bata pa ito...by the way yung pinsan kong iyon ay may anak na mas matanda sa akin by a year..o di ba ang saya?!wahehehe...eh hindi makapunta yung nanay ko dun nung gabi sobrang sama ng ubo niya eh...so ayun, nagkita kami ulit ng pinsan ko after 4 years...at kasama niya nga pala ang kanyang bagong husband..they were married 2 years ago...at gusto ko na ring magpasalamat sa mga gifts na bigay nila...at iyon pala, she suggested na why not go to a pharmaceutical company...maganda daw...she is a licensed electrical engineer d.ito sa pinas and she worked for a gallium arsenide wafer manufacturer dati sa states and then sa pharmaceutical company and I can really say na maganda ang benefits

so iyan ang nangyari...ang dami no?saya...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home