Winter Solstice
Sa mga panahong ito nagaganap ang natural phenomenon na "Winter Soltice". Ano nga ba ito? Ito yung panahon na mas mahaba ang gabi sa araw. Kaya mas maagang nagaagaw ang liwanag sa dilim.
Anyway, napansin ko kasi na mas marami ang nagpopost ngayon sa Multiply. Dahil ba bakasyon na? O kaya epekto ng Pasko? Di kaya ang malamig na hangin?
Kaya eto, eto na naman ako. Gagawa ng end of term report.
Ayun, naging ayos naman ang term. Most of it spent sa office ng CoE lab. Hahaha.
Pagdating sa love life, hmmm, I can really say that I am OK. Very OK. Wala na masyado yung sakit. Parang di ko na hinahanap-hanap ang matatamis na sandali na mararamdaman mo kapag nakikita mo ang mahal mo.
I will make my confession here. Oo, all this time mahal ko pa rin siya. Kahit na nagkaroon ako ng pagtingin sa isa pang tao, all these years it was always him. Meron na talaga siyang puwang sa puso ko. Pero, ngayon ko na mas naiintindihan at naeexpress ang selfless love. Kahit na mahal at sadyang mahalaga siya sa buhay ko, naiintindihan ko na hindi niya ako kailanman maaring mahalin. Hindi naman sa bawal. Sadya lang na ganoon. Pero kahit ganoon pa man ang mga pangyayari sa buhay namin, mananatili siyang mahalaga sa puso ko.
Alam kong may mahal siyang iba ngayon. Sa mahal niya, huwag kang mag-alala. Matibay ang kalooban niya. Hindi siya nagpapadala sa tukso. Sadyang ikaw ang laman ng puso niya ngayon.
Yung sa isa namang nagkaroon ako ng pagtingin, ayos na ako. Hindi na ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko kayo. Naisip ko at nasabi ko na rin sa iyong irog noon pa man na hindi ako handa na makipagrelasyon. Hindi naman maiaalis sa akin dati na magdamdam. Kahit papaano ay naglaan ako ng emosyon at pagibig, at nang ako ay mabigo masakit. Ako ay isang tao din na nasasaktan at marupok ang damdamin.
Medyo contradicting nga ang panahong ito. Siguro nga, mas makikita mo ang liwanag sa dilim.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home