Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Monday, August 30, 2010

The Origin of Tapwe

Seriously, ito yung bumabagabag sa akin buong araw.

Ano nga ba ang origin ng tapwe?

Siguro natrigger ito nung nanood ako ng panahon ko ito kanina. First time ko nga pala manood ng show na yun and mukhang nakakatuwa naman siya.

Kahit hanggang gabi iniisip ko talaga, saan ba nanggaling ang tapwe?

Tinanong ko na nga rin si kuya kim kung saan nanggaling yun eh, di naman ako sinagot sa twitter.

Kaya ayun, nanay ko na lang tinanong ko kasi borlogs na si pudak dahil ma-oy na naman siya.

Sabi ng nanay ko "Tapwe? Di ba parang salitang kalye yun? Di ko alam eh."

Sabi ko "Oo nga, parang yung etneb".

At dun ko napagtanto ang origin ng tapwe.

Ang tapwe nga pala para sa mga di nakakaalam ay slang para sa singkwenta.

Bakit tapwe? Ano ba ang huling pantig ng singkwenta? Di ba "ta"? Yung "pwe" ay para masabi lang na may kasunod. Kasi kung gagawin nating "takwen", parang slang naman yun para sa kwenta o katuturan.

Kung gagawin naman nating "takwensing", ang haba masyado tsaka pangit pakinggan. Sa asar siguro ng mga tambay, napasabi na lang sila ng "pwe!" at may isang sira ulong nakaisip na magandang slang yun para sa singkwenta pesos.

Tapwe.

Bow.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home