Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Saturday, December 22, 2007

Isang naudlot na review

Dahil sa wala akong magawa at sadyang katamaran ko, naudlot ang pagsulat ko ng isang review. Plano ko sana gumawa ng review ng Coffee Prince. Nag-scout muna ako dito sa multiply, trying to find out what other people can say about the drama.

Eh sa mga nakita ko eh puro copy paste na synopsis galing sa various sites and forums. Ah, meron pala silang masasabi. They love it. Wala lang. Parang napaisip ako, what is the point of the review if you are just going to tell the people what can they expect from the drama?

Di ba dapat gawan mo siya ng konting analysis o kaya ay punahin mo man lang yung mga characters, setting etc. O kaya kahit lagyan mo na lang ng dahilan kung bakit mo nagustuhan yun di ba? Oh well..

Plano ko rin sana gawan yung Spring Waltz ng review kaya lang, hindi puwede kasi di ko pa siya napapanood. Binabase ko kasi sa ratings sa Korea kung papanoorin ko yung drama. O kaya kung "kilala" ko kung sino yung nasa drama. Eh mababa ratings ng Spring Waltz kaya di ko muna siya binili sa suki ko sa Quiapo.

Hindi rin ako magawa ng review kanina kasi may nag-aaway sa harap ng bahay namin. At for a change, hindi ang tatay ko ang nagwawala. Woohoo! Hahahaha...

Haaay, nakakabore naman itong nasa bahay ka lang..tsk tsk

0 Comments:

Post a Comment

<< Home