Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Tuesday, April 01, 2008

PLDT OJT application (with bloopers)

Ngayong araw na ito ay nag-apply kami nina cheche at ishi (waw...tatlong Maria?hahahaha) para sa aming OJT...

Ang usapan ay magkikita kami sa Jollibee Araneta Square ng mga 9 AM para daw maaga...

Eh ako si Ms.Pasaway...anong oras na ba ako natulog kagabi?hmmm...kaninang umaga pala ng 5 AM.Sabi ko naman sa nanay ko gisingin niya ako para kumain. Eh wala...nagising ako 8 na ng umaga...ohmaygahd....ngaragan na itey!

Kaya dumating ako dun sa monumento ng 10 AM...wahahaha...ayus di ba?

Naglakad na kami papuntang PLDT office...yung sa tabi ng simbahan...

Ayan,nasa harap na kami ng PLDT...whooo...kabado na excited na ewan...siyempre punta kami sa may guard sabi namin para sa OJT..sabi niya "Naku mukhang puno na..teka tatawagan ko"...[dyan dyan dyan dyan]...ayun,pinapasok kami sa loob...tapos tinanong kami from what school siyempre Mapua...tapos ano daw course..siyempre ECE..nakow...sabi nung kumausap sa amin, may problema daw...kasi may 8 na daw galing Bulacan State University na nag-apply kahapon tapos approved na daw...eh maliit lang daw yung sa technical room nila...di kami makakagalaw...crowded...kaya daw punta na lang kami ng Boni...

Siyempre kami medyo disappointed lalo na si Che...kasi sabi ng tito niya eh tanggap agad yun...ang mas disappointing dun eh todo chika pa siya sa amin tapos wala lang din pala...kaya ayun punta muna kami KFC para maupo saglit tapos tawag si Che sa tito niya...it turns out na....mali kami ng pinuntahan [cue the entertainer song here]...yun pala eh yung nasa likod ng simbahan yung kailangan namin puntahan..tapos nirefer pa kami dun kay ms mayette cardenas...

Kaya ayun,punta kami dun sa likod ng simbahan...Dyaran! Ayan na si PLDT...yung guard mas mabait ng konti kaysa dun sa nauna...palabiro...wahehehe...Ayun naasikaso naman kami..Dahil nga kilala dun ang tito ni Cheche, para lang kaming tumambay dun...Akala pa nga wala kami requirements...Eh kumpleto na..Kaya print na lang ng acceptance letter na dadalhin namin sa Boni bukas tapos, ayun na...Chika rin ng konti dun sa nagasikaso sa amin kasi daw yung anak niya sa Mapua din nag-aaral...Yun na!Punta na lang kami ng Boni bukas para sa ID tapos punta kami ulit dun sa Caloocan office tapos puwede na mag-start...yey!..dun nga lang kami sa CO sa Malabon...good luck na lang sa amin dahil Comm 5 yun...wahahaha...

more on this tomorrow...

PS:pagdating dito sa bahay eh super gulo dahil ginagawa siya..para akong nasa warehouse na ewan...yung mga damit parang pang ukay-ukay lang...ay teka,di ba karamihan naman nun galing sa ukay?hhahahaha

0 Comments:

Post a Comment

<< Home