Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Tuesday, December 07, 2010

Lunch at Chocolate Kiss

(I wrote this while I was having lunch a while ago at Chocolate Kiss Cafe at UP Diliman)

It has been a dream of my love for me to write about him in my blog. What better way to write about him during my lunch break and here at the Chocolate Kiss Cafe at the University of the Philippines. The phrase "chocolate kiss" really reminds me of him. He said that he wanted a chocolate kiss from me and I find it cute that someone wants my kiss.

What can I say about my love? Words are not enough to explain the profoundness of what I am feeling for him. Rather, if there are words to describe how I feel for him, I just can't find them. Every time that I look into his eyes, I see the color of the sky and I feel lost and at home at the same time. I just can't help but stare at his face, his nose, his eyes, his lips...everything about him makes me feel so peaceful and as if nothing else matters in the world. All of the problems that seem to trouble us suddenly disappears when I look at him. The face of the man that I love and the man who loves me belongs to him. To look at the face of the one that you love is like floating in the air, or imagine yourself sleeping in the hammock by the beach, on a peaceful and calm day, with enough sun and just the right amount of clouds to cover it, underneath the palms, serving as your shade, ahhhh so peaceful.

We may be far away from each other (he is in Canada and I am in the Philippines), there is not a moment in the day when I won't think of him. When I hear him laugh, it is such a sweet sweet sound to my ears because I know that he has been hurt before. I am very happy to see him glad and jolly after going through the darkness of his life.

He said I became the light of his life through his darkness. For me, he is my knight in shining armor saving me from despair because I never thought that I would love again after being so hurt in the past.

For my Antoine, my Miku, je t'aime mon amour. Tu es la razón para mí existencía. Mahal na mahal kita. Hindi ko man kayang isulat sa isang awitin o isang tula ang aking nararamdaman, lagi mong pakakatandaan na ang pagibig ko para sa iyo ay wagas at hindi ko nanaising mawalay sa piling mo ngayong natagpuan na kita.

[I may not be able to write a song or a poem about what I feel but always remember that my love for you is true and I will never want to leave now that I have found you.]

Monday, August 30, 2010

Follow up sa Tapwe

Ngayon naisip ko na kung bakit ang hulapi ng tapwe ay pwe.

Ito ay nagmula sa pesos.

Dahil pingangahulugan ng salitang balbal na "tapwe" ay "singkwenta pesos".

Kung gagawin nating "tape", ito ay katumbas ng Ingles na salitang "tape" o...ano nga ba sa tagalog ang tape?

Kaya, gawin na lang nating "pwe" para talagang dalawang panlapi ang pagbigkas sa salitang ito at hindi isa na tulad sa Ingles.

The Origin of Tapwe

Seriously, ito yung bumabagabag sa akin buong araw.

Ano nga ba ang origin ng tapwe?

Siguro natrigger ito nung nanood ako ng panahon ko ito kanina. First time ko nga pala manood ng show na yun and mukhang nakakatuwa naman siya.

Kahit hanggang gabi iniisip ko talaga, saan ba nanggaling ang tapwe?

Tinanong ko na nga rin si kuya kim kung saan nanggaling yun eh, di naman ako sinagot sa twitter.

Kaya ayun, nanay ko na lang tinanong ko kasi borlogs na si pudak dahil ma-oy na naman siya.

Sabi ng nanay ko "Tapwe? Di ba parang salitang kalye yun? Di ko alam eh."

Sabi ko "Oo nga, parang yung etneb".

At dun ko napagtanto ang origin ng tapwe.

Ang tapwe nga pala para sa mga di nakakaalam ay slang para sa singkwenta.

Bakit tapwe? Ano ba ang huling pantig ng singkwenta? Di ba "ta"? Yung "pwe" ay para masabi lang na may kasunod. Kasi kung gagawin nating "takwen", parang slang naman yun para sa kwenta o katuturan.

Kung gagawin naman nating "takwensing", ang haba masyado tsaka pangit pakinggan. Sa asar siguro ng mga tambay, napasabi na lang sila ng "pwe!" at may isang sira ulong nakaisip na magandang slang yun para sa singkwenta pesos.

Tapwe.

Bow.

Sunday, August 29, 2010

Major, major long hiatus

Hiatus, grabe naman sa hiatus ito teh!

Hahaha...exactly 1 year ago na yung huli kong post, kumustasa kalabasa naman.

Well, things happened over the past year (wala naman kasing sobrang drastic change na nangyari).

For starters, kasama ko na nga pala si Eyok and Mitch sa Pixi (yey?!), and eto, I am trying to revive my blog. Why? I don't know.

Minsan parang mas masarap pa rin kasi magsulat, pag inaatake lang ako ng kagustuhan na magsulat.

Kaya lang wrong timing talaga palagi pag gusto ko magsulat. Nasa sasakyan ako eh kumusta naman ang magiging sulat ko nun di ba?

Dun kasi laging nangyayari yun sa moment na napupukaw ng kapaligiran ang aking damdamin.

Simple lang naman itong pukawin, pakitaan niyo lang ako ng green. Green jokes, green phlegm, green mango, green green grass of home. CHOS!!! hahaha..pero totoo yung green green grass of home. Nature ang isa sa mga paniguradong magpapalabas ng inner writer sa akin (naks, writer daw ako bigla..lul! batukan niyo nga ako).

Lalo na nung nagpunta ako sa Baguio, ay talagang bonggang naging writer ako. Writer sa diary. Hahahaha...kung puwede nga lang dun na lang ako tumira para magmoment lagi sa Mines View Park pag 6 ng gabi at 6 ng umaga (laging ako lang o may iilang tao lang ang nandun pag oras na yun). Sarap eh. Sarap magmoment magisa.

Next time, try ko gumawa ng mas matinong blog. Baklang bakla itong blog na ito eh..wahahahahahahahahaha

Saturday, August 22, 2009

trying to write after for so long

wow, it's been like what?...hmmm...I don't want to count..hehehe

Anyway, I haven't updated this for so long! God, I missed writing...

I'll try my best to write something sensible...

Let me start with what happened to me this morning...

I embarked on a journey going to my alma mater. Why? Well, I need to get some "stuffs" (I don't want to spill some details because it might get jinxed ). To my surprise, since it is a Saturday and normally traffic is not supposed to be that bad I'm stucked between Cordillera and Rotonda for 45 minutes. So, instead of staying inside the fx, I got off the vehicle not minding the fare that I already paid the driver (sayang naman yung 10 pesos...tsk). I started walking from Mayon St. It was fine since it was not raining and many people have already alighted their respective mode of transportation in order for them to get to their destinations by foot. Little did I know that I am going to receive my shock for the day.

I am actually expecting that there would be a great puddle starting from Blumentritt Street based from past experiences. Luckily, there was none. But when I reached Maceda Street, wow! Espana has become Espana Beach...yeah! Since I am already on the street, I have no choice but to thread the water. I am not feeling icky or anything about the water (though it is very clear to me that it is NOT CLEAN!) I actually enjoyed it.hee hee. Good thing I was wearing my knee length maong shorts and my "pink tsinelas" so I have no worries that my jeans would get wet. But, as I thread the water along Espana, espescially in the corner of the various alleys ( I think one of them is Antipolo St.) , the water was getting deeper. I thought that since I am wearing "short" pants, I am safe from getting wet. But the water is already thigh deep! So, despite the fact I am wearing my short pants, I still needed to roll them up. Even if I rolled them up, they still got wet due to the ripples or waves of the water. Oh, the waves really felt like I was on the beach hahaha! The deepest for me was the one along M. De La Fuente or trabajo. That one is really thigh deep. Even the one in Morayta but I passed through S.Loyola to "escape" the deep water but to no avail. The deepest part of the ocean of Espana is the one in front of UST. That is the reason why I passed through S. Loyola. Then my journey ended at the corner of Quezon Boulevard and Lerma St. I was literally dancing in the middle of Lerma St. after I passed through all that water.

How do I feel after this experience? Well, I can honestly say it was a happy experience. Why? Well, thank God it wasn't raining else it would have been harder. And also, I never thought that I would experience the "Espana experienceb". I actually experienced it before but it was very brief and it was 10 in the evening so I can't really enjoy it. I also loved the part when a bus would try to pass through the "puddle" therefore making waves. So, it was my first time to "climb on" or cling to the fence of UST. Hahaha! What a nice experience indeed. And I was also able to see Kuya Dodong in the canteen that they put up.

See? Who would have thought that being stuck in the historic puddle of Espana can be a fun experience. Hehehehe, I should have taken pictures to show how happy I was and how I looked like walking in all that water. Just imagine me smiling from ear to ear while walking in knee-deep puddle along Espana. Hahahahhaha!

Sunday, February 22, 2009

Tinatamad akong magpost..

Lately, nauubos na ang creative juices ko (yeah right as if I have..wahahaha)

I feel compelled to write something in this blog and yet, I don't feel like doing it...

Weird pero I want some outlet para mailabas ang feelings ko and yet, tinatamad ako...

Haaay weird...

Share ko na lang siguro na last week eh medyo tinamaan ako sa sinabi ni father sa homily..

"Alam niyo ba ang opposite ng love? Hindi hate kasi kapag hate mo, mahal mo pa rin yun kasi may nararamdaman ka para sa taong yun. It is indifference o ang pagiging walang pakialam"

Bago niya sabihin yung indifference, I mouthed the word 'apathy' which is the same as indifference...

Man, medyo tinamaan ko. Sa totoo lang, minsan I feel indifference towards the whole universe. As in wala na akong nararamdaman. Kaya nga siguro tinatamad na akong magpost nito...

Tapos mas tinamaan pa ako nung communion song "Your Heart Today"...wow...sapul yung kanta eh..

How can I be "Your Heart Today" if I already forgot how to love? Nakalimutan ko na nga ba kung paano ang umibig? Kahit simpleng pag-ibig sa kapwa tao kahit huwag na yung romantikong pag-ibig.

Meron pa rin naman akong sense of filial respect sa mga kapamilya ko, respeto sa mga nakakasalamuha ko pero minsan feeling ko wala na akong nararamdaman. Manhid na ba ako?

Tapos kanina sa misa merong mga seminarista and they shared na it's all about love. Pagmamahal sa kapwa at para sa Diyos.

Nakalimutan ko na nga bang umibig?

Sunday, February 08, 2009

Whattadream....

Man, I had the weirdest dream the other day...

OK, so there is this guy that is soooooo handsome na nung una kong makita eh literal na halos mapanganga ako...kasi nga ang guwapo...parang hinugot sa libro ng twilight at napersonify si Edward Cullen..

He is tall, has a fair complexion and talks in a very good manner na tipong mapapanganga ka talaga (eh hindi ba sa Twilight nadescribe na may ganung characteristics ang mga vampire? hmmm...)

Anyway moving on, so ang panaginip ko ay ganito..

Nasa isang parang, I don't know, parang cheap na inn daw kami dahil may group project or something..nasabi kong parang cheap kasi from the looks of his face eh medyo hindi siya sanay sa lugar..alam mo yun parang isang mayaman na biglang nakitulog sa squatters area? so ganun na nga.tapos nakatulog ako at paggising ko eh katabi ko daw siya at nakahubad siya at tanging underpants lang ang suot...damn, bat ganun?tapos parang naalimpungatan siya at ang sabi niya ay mainit...then iniwan ko siya dun sa kama at parang nasilip ko na habang natutulog siya ay may mga mama na nagsasaboy ng ash sa palibot ng kama at may mga parang surgical masks yung mga mama habang nagsasaboy sila....weird huh?




OK lang sana kasi kung yung guy is someone na medyo ka-age ko oh kaya sana artista na lang para hindi ko nakakasalamuha pero, ang catch....
























isa siya sa mga boss ko!waaaahh!!!you can just imagine how I felt the morning after at nung makita ko siya at nang kinausap niya pa ako dahil sa business matter!damn...


pero lumipas naman na yun at unti-unti na akong nakakalimot..

tsaka di puwede yun...meron na siyang "singsing" sa daliri...hehe

sabi ng friend ko "naku mare, subconscious na ang nagsasabi sa iyo na may pagnanasa ka sa boss mo"..


amps naman...pero ayos lang...marami din ang mga nagnanasa sa kanya....at hindi ko naman siya araw-araw na nakikita at alam ko kung saan ako lulugar...

haaayz...iyan na namang mga panaginip na yan!diyan nasisira ang buhay ko eh...bwiset...

hehehe

Wednesday, December 31, 2008

Pahabol post before the year ends...

share ko lang...

weird ng panaginip ko kanina..(baligtad na nga pala sleeping pattern ko...hehehehe)

napanaginipan ko yung terror teacher ko noong high school (sa stellan friends ko...sa tingin ko kilala niyo na yun...)

sa panaginip ko nasa klase niya ulit ako...grabe, alam niyo yung feeling na andyan yung terror na teacher mo?yung halong takot tsaka kaba kasi baka tawagin ka sa recitation...tsaka nung high school tipong dumaan lang siya eh tahimik kayo...

sa panaginip ko nga eh may quiz pa...at ang matindi nun ay computerized!dang...high tech?!

ang hindi ko talaga makalimutan ay yung feeling ng takot...as in nyay! parang bawal huminga...

sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na favorite teacher ko siya...pero ang weird eh...di ko tuloy alam kung pleasant dream ba siya o nightmare...


anyway, happy new year guys!