Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Monday, April 03, 2006

Enrollment,DVD,La Mesa Eco Park and The Classic Exploits part 2



As I Have promised, itutuloy ko na ang exploits ko nung araw na iyon.

After ng enrollment, we(Sheena,me and Royce) went to Quiapo. May bibilhin kasi akong mga DVD particularly ag hinahanap ko yung old boy pero sad to say, wala akong nakita. Ang mga nabili ko na lang ay iyong mga mix ng korean movies and some James Bond filcks. Lahat yun yung mga package movies. Si Sheena naman bumili ng "Brokeback Mountain" para sa kanya at binilhan niya rin yung utol niya ng DVD na goal. Haay ang Quiapo talaga...melting pot of different cultures. Lahat na yata ng klase ng tao makikita mo dito. Ah, ang DVD nga pala ay may dalawang presyo. May tag-35, may tag-50. Yung tag 35 ang color nung disc sa ilalim, purple or violet. Yung tag-50 naman,ginto yung kulay. Sabi ng mga taga-roon, mas matibay yung tag-50.

Kaya ayun,nagutom na kami at kumain kami sa Chowking sa may Hidalgo. As usual, si Royce ay umm...hmmm...need say more?hehehe....ayun...

Then we head off to La Mesa EcoPark. We took a trike ride galing sa Winston(doon sa usual na binababaan namin ni sheena) hanggang duon lang sa may gate ng La Mesa Dam para daw makita namin yung dam. At iyon nga, nakita namin yung dam. Napakalaki niya. Hindi siya pwedeng kunan ng picture pero ayun, nakunan ni Sheena dati yung dam. Maganda naman yung park dahil maraming puno,may swimming pool,maraming puno,may boats,maraming puno....at nasabi ko na bang maraming puno? Basta ang mga nagawa namin ay mag-nature trekking at kumain. Nahihiya nga ako ngayon eh. Halos wala akong nagastos doon sa mga pinagkakain at pinaggagawa namin..ay meron pala,hehehe....ngayon ko lang naalala...nabobother ako kasi halos silang dalawa lang yata yung naalala kong gumastos. Siguro ang masasabi kong pinakafavorite part ko ng nature trip na yun ay yung boating kasi tahimik at nakakarelax...haay...

Natapos ang araw na umuwi ako at hindi ako sure kung hinatid ba ni Royce si Sheena sa bahay nila kasi nagpupumilit siya. Balak pa nga sana niya na pumunta kami sa bahay nina Sheena pero sa totoo lang nahihiya na ako kasi ang dugyut ko na tsaka feeling ko sobrang bantot ko na nun(hindi kasi ako nag-shampoo noong umaga). Kaya ayun..ah might I mention na almost 16++ hours na akong gising noon kasi ang normal sleeping time ko ay 7 AM...man...on to part 3 for The Classic....