Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Tuesday, March 18, 2008

This is it!Oh I've finally found....

...my love for Spanish....hahahaha...kala niyo kung ano, ¿no?

Masasabi ko na talagang natagpuan ko sa Spanish ang hilig ko nowadays. Ang saya grabe! Ewan ko ba dahil ito yung first time ko na talagang mag-aral formally ng 3rd language ko. Yung mga dati eh tipong informal lang. Simpleng pasearch-search sa net, panood -nood ng mga pelikula na may ganoong lenguahe.

Bakit nga ba español of all the languages? Una kasi, mura. Hahahahaha....sa totoo lang mura yung fee considering na foreign language na siya ha. 3k...di na masama. Tapos malapit pa sa school kasi sa Kalaw lang naman. Kung trip ko eh puwede kong lakarin. Tapos looking back sa kabataan ko, ito naman talaga ang una kong kinahumalingan na ibang language bago pa ang korean. O di ba? Noon pa lang may alam na ako sa español. Kaya ayun...I'm lovin' it very much.

What do I love about español? Siguro malaki din yung impluwensiya ng ambiance ng Instituto Cervantes. Pagpasok mo pa lang...hmmm..kakaiba na yung amoy. Ayun kaya yung amoy ng España? In fairness, mabango na ewan. Amoy jabon na may spice na ewan. Maganda rin ang classroom set-up namin. Mga mujeres kami halos lahat. Isa lang ang varon sa amin. Si kuya jorge. Kahit medyo hirap siya sa lesson eh go,go,go pa rin si kuya. Go kuya! Tapos yung teacher namin eh si Erick. Ayus eh ganoon na lang ang tawag. O sige para may pag-galang si Sir Erick. Masaya kasi sa klase niya dahil laging may games, tsaka light lang. Meron pang additional info. At lalong naging masaya ang klase dahil sa classmate naming koreana. Si Yoon Sang Jun o si Melissa. Grabe magugulat ka na lang kasi biglang magrereact na malakas. Parang nakadrugs lang lagi eh. Laugh trip talaga ang klase pag kasa siya. Lalo na noong nagbingo kami. Halibawa sasabihin ni Erick " En letra ge, sitenta y cinco" tapos bigla namang sasabat si Melissa na "sebentipaibu?". As in, noong nag-bingo kami yan lagi ginagawa niya. Standout din kasi siya dahil todo porma siya pag napasok sa klase. Kaya nga noong last meeting namiss siya nung mga classmate namin dahil absent siya.

At the end of the day, ano ang nakukuha ko sa pagtake ko ng español? Given na yung may natutunan ko na bagong language pero beyond that, nagkakaroon ako ng sense of fulfillment. Yung tipong pag nagbasa ako ng kahit ano na may español eh maiintindihan ko. Di ba ang saya nun? At tsaka, kahit papaano eh nagkaroon ako ng break from the monotonous life of being an engineering student. For a change lang kumbaga, hindi ba?