Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Saturday, September 20, 2008

Amor en Paz, Paz en Amor (a haiku)

Loving in silence

Such a powerful outcry

From this lonely heart

Friday, September 19, 2008

Auschwitz: Care to enlighten me?

It's only by chance that I got interest again in this topic. I remember my first encounter with this topic was reading Max Soliven's article on the Philippine Star about his visit there.

Malinaw naman sa akin na pinapatay ang mga Jews sa concentration camps dun.Pero, bakit? Why of all the people Jews ang napili ni Hitler?

Care to enlighten me?

Auschwitz: Care to enlighten me?


Wednesday, September 10, 2008

Galit yata sa akin ang mga bagyo....

May lihim ba na galit sa akin ang kalikasan (o kaya ang Diyos?)

Kasi ba naman nung isang beses na nagkabagyo, eh paakyat kami ng Baguio. Edi malamang ang tumambad sa amin noon eh makapal na fog at malakas na ulan. Siguro yun ang feeling ng aakyat ng langit. Puti ang daan...

Tapos ngayon naman si Marce. Ang saya saya. Pababa ako ng overpass kanina papuntang school. Kung familiar kayo sa lugar (Manila City Hall area), alam niyong medyo madumi yun kapag naulanan. Eh tiyempo na yung suot ko palang sandals eh walang ridges sa ilalim. In short mababa ang coefficient of friction o kaya ay madulas. As in madulas. Unang tapak ko pa lang pababa sa under pass, whooops, muntikan na ako madulas. Kaya gumilid ako. WHoops muntikan ulit. Hay naku nakakainis talaga bakit ko pa nasuot itong sandals na ito. Di bale tatlong steps na lang at nasa baba na ako. Ay may makakasalubong ako makaiwas muna. Whoops napasobra step ko. Ay nadulas ako! Aray! Bago pa man ako bumagsak yan ang nasabi ko. Buti nastretch ko ang katawan ko at naipangsanggalang ko ang tagiliran ko kaya wala namang buto na nabali sa akin. Pagkadulas ko (nakatihaya ako by the way), tayo lang ako. Parang walang nangyari. Pero nakatingin na pala ang sangka-underpassan sa kinahinatnan ko. Kaya pumunta ako ng City Hall: para isoli ang digicam ng pinsan ko. Pagdating ko doon napansin niya madumi ako. Sabi ko nadulas ako. Kaya ayun, pinagpunas niya ako. Umalis din ako at pumunta ng SM dahil sinusumpa ko yung hinayupak na sandals na yun. Ayan medyo secured na ang paglakad ko. Tiyempo naman ng papunta ako ng Mapua eh sobrang lakas ng ulan at hangin. Sa sobrang lakas eh nasira na yata yung payong ko. Pero go lang. Ganyan ako eh. Never say die. Kaya go. Whoooo lakas ng hangin at ulan. Yeah. Basa kung basa. Grabe.

Pero bakit nga kaya nagagalit ang sangkalangitan. Siguro ay may ibig ipahiwatig ito. Itigil ko na daw ang pagpapantasya ko. Itigil ko na ang kahibangan ko. Lahat na ng puwersa ng kalikasan ang nagsasabing bawal ang pag-ibig ko.....