Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Monday, August 30, 2010

Follow up sa Tapwe

Ngayon naisip ko na kung bakit ang hulapi ng tapwe ay pwe.

Ito ay nagmula sa pesos.

Dahil pingangahulugan ng salitang balbal na "tapwe" ay "singkwenta pesos".

Kung gagawin nating "tape", ito ay katumbas ng Ingles na salitang "tape" o...ano nga ba sa tagalog ang tape?

Kaya, gawin na lang nating "pwe" para talagang dalawang panlapi ang pagbigkas sa salitang ito at hindi isa na tulad sa Ingles.

The Origin of Tapwe

Seriously, ito yung bumabagabag sa akin buong araw.

Ano nga ba ang origin ng tapwe?

Siguro natrigger ito nung nanood ako ng panahon ko ito kanina. First time ko nga pala manood ng show na yun and mukhang nakakatuwa naman siya.

Kahit hanggang gabi iniisip ko talaga, saan ba nanggaling ang tapwe?

Tinanong ko na nga rin si kuya kim kung saan nanggaling yun eh, di naman ako sinagot sa twitter.

Kaya ayun, nanay ko na lang tinanong ko kasi borlogs na si pudak dahil ma-oy na naman siya.

Sabi ng nanay ko "Tapwe? Di ba parang salitang kalye yun? Di ko alam eh."

Sabi ko "Oo nga, parang yung etneb".

At dun ko napagtanto ang origin ng tapwe.

Ang tapwe nga pala para sa mga di nakakaalam ay slang para sa singkwenta.

Bakit tapwe? Ano ba ang huling pantig ng singkwenta? Di ba "ta"? Yung "pwe" ay para masabi lang na may kasunod. Kasi kung gagawin nating "takwen", parang slang naman yun para sa kwenta o katuturan.

Kung gagawin naman nating "takwensing", ang haba masyado tsaka pangit pakinggan. Sa asar siguro ng mga tambay, napasabi na lang sila ng "pwe!" at may isang sira ulong nakaisip na magandang slang yun para sa singkwenta pesos.

Tapwe.

Bow.

Sunday, August 29, 2010

Major, major long hiatus

Hiatus, grabe naman sa hiatus ito teh!

Hahaha...exactly 1 year ago na yung huli kong post, kumustasa kalabasa naman.

Well, things happened over the past year (wala naman kasing sobrang drastic change na nangyari).

For starters, kasama ko na nga pala si Eyok and Mitch sa Pixi (yey?!), and eto, I am trying to revive my blog. Why? I don't know.

Minsan parang mas masarap pa rin kasi magsulat, pag inaatake lang ako ng kagustuhan na magsulat.

Kaya lang wrong timing talaga palagi pag gusto ko magsulat. Nasa sasakyan ako eh kumusta naman ang magiging sulat ko nun di ba?

Dun kasi laging nangyayari yun sa moment na napupukaw ng kapaligiran ang aking damdamin.

Simple lang naman itong pukawin, pakitaan niyo lang ako ng green. Green jokes, green phlegm, green mango, green green grass of home. CHOS!!! hahaha..pero totoo yung green green grass of home. Nature ang isa sa mga paniguradong magpapalabas ng inner writer sa akin (naks, writer daw ako bigla..lul! batukan niyo nga ako).

Lalo na nung nagpunta ako sa Baguio, ay talagang bonggang naging writer ako. Writer sa diary. Hahahaha...kung puwede nga lang dun na lang ako tumira para magmoment lagi sa Mines View Park pag 6 ng gabi at 6 ng umaga (laging ako lang o may iilang tao lang ang nandun pag oras na yun). Sarap eh. Sarap magmoment magisa.

Next time, try ko gumawa ng mas matinong blog. Baklang bakla itong blog na ito eh..wahahahahahahahahaha