Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Wednesday, November 30, 2005

of keyboards and other peripherals(tamad version..err i mean...brain drained version)

ayan...obviously, dahil nakapagpost ako....nakakapagtype ako sa aking pinakamamahal na keyboard...

now more than ever..natutunan kong mahalin ang keyboard ko...

kagabi, akala ko,kailangan ko na nang bumili ng panibagong keyboard dahil akala ako nasira na siya...

at ngayon ay tinatamad na ako magpost dahil drained ang utak ko....
naubos na sa mechanics at sa circuits....
aga ko pa pumasok kanina...

siguro mamaya pagkatapos ng Big Brother kapag ginanahan ulit ako....

Saturday, November 26, 2005

psycho???

*waaahhhh!!!!me and my friend(s)....(i think...di ako sure kung laht ba kami...)...ah ok..marami sa amin...are totally shocked errr...i think the right term is psyched...dahil sa film na "The Exorcism of Emily Rose"
kung tutuusin,simpleng movie lang siya...you know, the basics of a horror film..it's all about timing...timing ng scoring sa movie...pag nakuha mo ng tama,matatakot mo ang mga tao kahit na simpleng ngumanga lang yung bida...

pero ayos din eh....na-sapsyche ako.....damn....ayokong ipikit ang mga mata ko sa takot na di ko na ito mamulat...

ang masasamang forces na involved naman sa movie kasi ay unseen forces...actually the movie is not that very visual...hindi rin ganun ka-psyche tulad ng the ring...

wala lang...kasi I searched for the real story that the movie has based its plot on...

and the name of the girl just lingered on my mind...kainis...ayoko na isulat yung name ng girl dito....lalo lang maglilinger....grrr...and now nakita ko na yung pic niya...and her grave...kainis!!!

pero one way to releave this nerve wracking experience,nanood na lang ako ng my little bride(yung hindi tagalized ha!!!may kopya ako dito sa bahay!)

think happy thoughts...yan na lang ang maipapayo ko sa sarili ko

Saturday, November 19, 2005

Losing Grip

man,we just had our mec quiz...

grabe last two quiz na lang

feeling ko nga 50 na naman ako dun grabe...

wish ko lang talaga pumasa ako sa subject na ito...

well anyway, bukas manonood na ako ng harry potter!yey!

Thursday, November 17, 2005

etymology

etymology...a study of the origin of words...

ang word for the day ay "TSUGI"...

saan nga ba nagmula ang salitang tsugi na kung saan ginagamit na slang para sa "namatay"...

habang nanonood kasi ako ng "Panday", may mga scenes doon kasi na nililibing yung mga tao

tapos nagkaroon tuloy kami ng diskusiyon tungkol sa paglilibing noong araw...

namention tuloy ng tatay ko na noong panahon ng liberation ay may nagiisang punerarya sa may Sta cruz...

di pa uso daw masyado noon ang punerarya...

ang puneraryang ito ay ang punerarya QUIGE

naisip ko tuloy na dito nagmula ang salitang "tsugi"...

o db?hehehehe

Wednesday, November 02, 2005

1 month to go....

isang buwan na lang pasko na....

30 days na lang din ang nalalabi sa 100 days ng mga housemates sa loob ng bahay ni kuya....

at isang buwan na lang matatapos na ang term namin.......

waaaa.....hirap nga talaga ng engineering....kailangan ng extra effort o kaya ay force para magkaroon ng mgandang resultant(waaaa...nu ba yan...i sound like mechanics.....grrr)

anyway...

this week matatapos na ang "Ikaw ang Lahat sa Akin"....ewan ko ba sa nanay ko at masyado niyang gusto yun.....

at ang papalit dito ay ang Panday....

for a change kaya...gumawa ako ng blog sa isang tv show na magsisimula sa umpisa(nye ano ba yun...)
watch out na lang....

natapos ko na nga yung "Wonderful Life"....ok naman....maganda siya!!!!!ganun na lang daw ba...?...hehehe...i'll find time to make a complete review of this drama....

for the mean time....ito na muna...

pasukan na naman kasi bukas eh...grrr