Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Monday, July 17, 2006

Isn't that nice,eh?


I was browsing in one of the forums that I visit and I came across with this picture...

These past few days kasi my friend(Eyok) and I were fantasizing that Lee Dong Wook and Jo In Sung were our boyfriends...

Hehehehe...well she started the whole crush thing and now I was surprised to see the both of them in one pic...

Imagine friendships din sila!hehehehe.....

Saturday, July 15, 2006

ARGGH!!anyway....


haaay...nakakainis naman!

dapat nakapagpost na ako kagabi dito eh

anyway ang meron lang naman kagabi is first time pinalabas yung teaser na pupunta dito sa Manila si Lee Dong Wook!(이동욱 )..

it's weird how some girls call him "wookie"...man that's weird..

anyway yun lang naman dapat ang isusulat ko..

nakakatuwa lang ngayon kasi binigyan ako ni Carol ng In His Steps...yey!!!a way for me to get closer to God...

tapos naalala tuloy ni Eyok na nasabi ko sa kanya na feeling ko si Angelo yung sinasabi sa akin ni Carol na natagpuan na niyang GG(fyi:GG stands for God's Gift and not galunggong...hehe)

natanong niya rin.."Paano mo ba malalaman na ang isang tao ay ang iyong "GG"?"

ang sabi ko..ikaw na mismo ang makakaalam niyan...kung ang taong iyon ang special gift ni God sa iyo...

natanong niya rin kung nakita ko na ang GG ko...sabi ko hindi pa yata....sa tingin ko....

hindi pa siya ang GG ko....maybe there is something better...and it will find me when I least expect it....haaaayy

Friday, July 07, 2006

Korean movies....always make me cry


Korean movies....always make me cry

July 6,2006 11:48 PM

These past few days, ang ginagawa ko ay mag movie marathon every 2 AM hanggang
mga 5 AM lang...so that would be 1.5 movie...hehehehe

Hindi nga siya actually marathon pero,wala lang I just like the term

Ang mga movies na pinapanood ko ay puro Korean which means na subtitled ito..

Nakabili kasi ako ng 8 in 1 na movie sa Quiapo..

The reason I bought that DVD was for 100 days with Mr. Arrogant(내사랑싸가지)..

Kasama din doon ang 7 pang Korean movies...

Out of the 8 movies, 3 ang drama at 5 ang medyo light lang ang story..

Ang una kong pinanood dun sa DVD ay yung 100 days with Mr. Arrogant..

OK natuwa ako...pero in the midlle medyo..medyo lang ha naiyak ako..

Naiyak ako kasi...basta it's so cheesy..imagine mahal mo yung isang tao tapos iniiwasan ka niya..
Ahh basta!ganun yun...naiiyak ako...ako na lang nakaalam noon

Sa limang pelikula na medyo light yung tema,4 doon yung iniyakan ko..(yung isa dati ko pa napanood kaya di na ako umiyak
hehehehe)

Ang nakakapagtaka doon, hindi ko nga mainitindihan masyado(nakakaintindi naman ako ng konti eh..hehe)
yun pa yung mas iniiyakan ko

Nagtataka ako sa sarili ko..bakit kapag yung iba namang movies like English or Tagalog na halos
kapareho naman yung tema(one-sided love,you and me against the world,I-like-you-but-we're-not-meant-to-be chuchu)
eh hindi naman ako naiiyak?

Siguro nga tama yung sinabi ng isang character doon sa "He is cool"(isa sa mga light na movie na napanood ko)
"Love doesn't require words"(syempre di ko na ilalagay sa Korean yan..mahirap eh..hehe)

Siguro masyado lang ako nageempathize sa mga characters at nadadala ako ng emosyon..

Loneliness din siguro ang dahilan kung bakit nageempathize ako sa mga characters ng kahit pinaka-cheesy
na pelikula na mapanood ko..

Kung may kasama siguro akong manonood ng mga iyon,siguro hindi ako ganun kalungkot..

Probabably I'm just a lonely soul...

Puwede ko nang kantahin yung Mr.Lonely...

But I'm not a Mister and I'm not a soldier as it says in the song..

I am lonely,yes...A lonely soul drifting in this lively world where I don't belong..

I have no one to call my own..

(Man,I'm starting to sound like one of those Korean characters..kulang na lang sabihin ko yan sa Korean ah..hehe)

Haaay buhay..

So after ng panood ng Korean movies ano ang napala ko?Mukha akong Koreana.

Bakit?Kasi namaga na ang mata ko sa kaiiyak...bwahahahaahaha!!!!