Ang Aking Awit
Yung una ay sa friendster blog ko. Nainspire ako tingnan ulit yung friendster blog ko kasi si sir Woodz nagpost sa friendster blog niya.
Natawa lang ako sa mga pinagpopost ko dati at isa itong tulang ito na dedicated noon kay Mitch. Ayan sige lantaran na. Bahala na. 2 years ago pa yang tulang yan. Actually puwede ko na rin yan idedicate kay Domeng pero, naaah it is really meant for Mitch eh. Besides, I already made something for that guy (oops...ano ba yan). Just look for it within this Multiply account. The song 'sulpeum' was actually inspired by him (ano ba ito suicidal na ba ako??)
Ano ba yan what has happened to me? Kasuwal ko na lang sinasabi ang pangalan ng dalawang yan...anyway...I'm posting this for poetry's sake (yeah right...wahahaha). Sobrang wala lang talaga akong magawa sa buhay ko ngayon kundi tapusin ang twilight series (as of press time I'm halfway through Breaking Dawn)
Ang Aking Awit
Ano man ang mangyari
Ako man ay masawi
Salamat sa ala-ala
Kahit minsa’y nawalan ng pag-asa
Pag-asa na ako ay iyong ibigin
Pag-asa na ikaw ay sa aki’y may pagtingin
Ang puso mo’y inilaan sa iba
Ako sa iyo ay bale-wala
Sakali man na ika’y umibig muli
‘Pagkat sa piling niya’y ika’y lumisan
Huwag nang lumayo at sa iba’y pumili
Magmasid lamang at sa ‘ki’y pumisan
Subalit, pag-ibig ng iyong irog ay totoo
Kahit na sa puso mo’y wala na ito
Bilang kanyang kaibigan ako’y sumasamo
Na pakaisipin mo siya at huwag magbiro
Sadaya ngang totoo ang pag-big ko sa iyo
Ngunit di ko hahayaang kayo’y maglayo
‘Pagkat kayo ay sadyang itinadhana
Hindi mo man nalalaman, sa isa’t isa
Kaya paalam irog ko, aking mahal
Hindi mo man nalaman ako sa iyo’y may pagtingin
Dalangin ko sa Maykapal nawa’y dinggin
Na kayo at inyong pagmamahala’y magtagal.
~09/28/06