Let us recap of what happened this 2008..
Siyempre nung half part ng 2007 was not that really good for me (well, alam niyo na...huwag na tayong mag-dwell..ay ako lang pala..wahehehe) pero this year was a blast!
Medyo ironic lang para sa akin..kung ano pa yung magagandang mga memories eh yun yung mga nakakalimutan ko..pero yung mga medyo di kagandahan eh yun ang natitira...weird..
Anyway let us move on..
Early this year dumating ang aking tita from the US of A...it has been 14 years since she last visited so mga 7 years old pa lang ako nun at ano na ako ngayon...21? wow...ang tagal na nun...so to make up for lost time she gave us gifts (isa na itong laptop ko) and she promised to give us "help" para mapalaki itong bahay...lately nalaman ko na naawa pala siya sa amin kasi para daw kaming squatter...masikip kasi yung bahay...tipong 42 square meters lang tapos halos di ka makaikot...ngayon, may second floor na yung bahay at may rooftop pero ang kabayaran?nakuha yung Samsung E250 ko ng construction worker..huhu...cute pa naman yun..pero nevermind may nakuha naman na akong bagong phone...3g pa..hehehe..puwedeng gamitin na pang-internet
Early this year din napagdesisyonan ko na kumuha na ng Civil Service exam..wala lang trip lang..just in case na hindi ako pumasa sa board, at least may naipasa man lang ako...kumuha ako nung naka overload pa ako (18 units)...and to top it all, may extra Spanish Class pa ako sa Instituto ( na hanggang ngayon ay di ko pa naipagpatuloy)...
Sa awa naman ng Diyos eh nakapasa ako...80 ang passing score dun...pero kahit may below 80 ka eh papasa ka pa naman...kung nagkataon na hindi ganun ang siste at kailangan 80 lahat edi conditional ako sa 20 items na General Information...hehehe...
This year din ay nag-OJT ako sa central office ng PLDT sa Malabon...ayos naman halos magaan lang ang trabaho...kabit lang ng mga wires...tralalala...update ng mga kinabit...tralalalala....nood ng TV buong araw...tralalalala...saaayaa!...ayus nga iyon kahit sa Malabon kasi lalo nang lumalawak ang coverage ng internal mapa ko...hehehe..the more places I visit, mas lalong lumalawak ang database ng mga places na puwedeng puntahan...hehehe..
At dahil this year ay OJT ko, ibig sabihin ay graduating na ako...at, noong August ay grumaduate nga ako..yey[walang energy]...bakit walang energy?ngaragan kami siyempre sa review...May pa lang nakaenroll na kami sa review center...nahati ang tropa at 5 kami na napunta sa perc...siyempre dahil nagrereview pa lang eh hindi ganun ka thrilling para sa akin ang pagmarcha sa PICC...medyo nakakatuwa kasi first time ko makapagsuot ng toga(noong mga graduation ko noon lagi lang kaming uniform...simplicity kasi eh)
Sa review, grabe...dito ko lang naranasan na todong basahan at aral..yeah! nung nagrereview pa ako eh ang favorite kong kanta eh yung One Day More from Les Miserables kasi akmang-akma...tipong handa ka na talaga para sa giyera...kinakanta ko yun lagi na parang ang lakas ng loob ko na magtake ng board...tipong with conviction talaga na ONE DAY MORE!ANOTHER DAY ANOTHER DESTINY. THIS NEVER ENDING ROAD TO CALVARY...
pero the day before ng board exam ganito ko na siya kantahin...
waaahhhhaaaannn didididadadaday momomomorrreee ahhaahahannaahaahatthhher ddididay...
o di ba nangatog?hehehe
at nung review din ay nakaugalian talaga naming pumunta ng St. Jude every thursday ( oh how I miss this) kaya feeling ko super blessed kami...tipong yung shirt na gagamitin ko sa board eh pinangsimba ko talaga tsaka pati yung envelope na gagamitin sa board ay pinabless ko rin...(susulat na talaga ako kay St Jude para mag thank you)
pati pala sa monasteryo ng Sta. Clara ay nagoffer ako ng eggs...at pinabless ang pencil..todo preparation...whew!
kahit sobrang daming ginwa, ayus lang yang lahat ng preparation kasi sulit naman...nakapasa sa awa ng Diyos...pero tama nga yung sabi dati ni Sir Paala na hindi kumpleto yung saya kasi yung ibang kasama mo hindi pinalad...pero ayus lang yan mga tsong kasi yakang-yaka niyo na yan sa March...yeah!I believe in you...(sir Lee?hehehe)
after pumasa ayan, naghanap ng trabaho...at pinatos kung sino ang unang mag-offer...tapos iniwanan din...tapos meron ulit...ano ba yan ang gulo...
pero magtitino na talaga ako...pramis...I swear..
tapos, last Christmas lang, dumating yung pinsan ko...kasama niya ang asawa niya...na kano..naks..hehehe...pero ayus lang kahit egoy asawa niya kasi ang bait...sobra..they are very nice...
So yan ang taong 2008...very fruitful..sobrang daming blessing...at sobrang thankful ako...parang minsan iniisip ko kung deserve ba ako sa ganito karaming blessing...pero basta...sobrang thankful ako sa taong ito...sobrang ganda at sobrang daming magagandang bagay na nagyari...kulang na lang talaga ay love life pero hindi ako masyadong hopeful dito...unti-unti ko na nga yatang nakakalimutan kaya, iyan na lang ang problema ko...nakalimutan ko na yata kung paano ang mainlab...wahehehehehe