Narcotics mode
Narcotics mode?? Ang simpleng term diyan ay adik ako...
OO adik ako..adik sa mga koreanovela..
Di naman ako sobrang adik na as in lahat na ng koreanovela binibili ko,nagpupunta sa mga forums at nagpopost ng mga pictures ng korean stars,nagpupuyat para maghanap ng info etc.
Simpleng adik lang ako. Di naman ako yung tipong handang mamatay para sa idol. Sobra naman yun. Paisa-isa lang naman ang mga koreanovela na pinapanood ko.
At isa na dito ngayon ang "Dae Jang Geum" o mas kilala sa Pilipinas na "Jewel in the Palace".
Ang series na ito ay isang historical drama at hindi contemporary tulad ng mga mas naunang pinalabas dito sa Pilipinas. Talagang tungkol ito sa kultura at kasaysayan ng Korea noong panahon ni Haring JungJong yata. Di ako sigurado.
Pero kahit na ganoon ang setting niya, nag-click pa rin sa panglasa ng Pinoy ang drama na ito dahil kapupulutan nga naman talaga ng aral ang buhay ng tauhan dito na si Jang Geum.
Pamilyar ang mga Pilipino sa plot na ito. Yung tipong bida na pinahihirapan ng mga kontra bida at sa huli ay nagtatagumpay ang bida. Ayon nga sa isang sociologist, mahilig ang mga Pilipino sa mga underdog na bida kaya masasabi ko na medyo pumapatok ito ngayon.
Habang sinusulat ko ito, sa TV ngayon (GMA-7), wala pa sa kalahati ang istorya. Medyo mahaba talaga ang drama na ito kumpara sa ibang drama ng mga Koreano na na-export na dito sa ating bansa.
Ngunit 'di nangangahulugan nito na ako ay hindi na makabansa. Bagamat nahihilig ako sa ganitong linya ng mga programa, di ko pa rin nalilimot ang sarili nating industriya. Hindi naman ako naghahangad na maging isang manunulat o maging bahagi ng nasabing industriya ngunit, maari silang kumuha ng mga ideya sa mga ganitong programa. Tulad nitong Dae Jang Geum. Bakit di kaya sila gumawa ng mga historical drama na pantelibisyon? Yung tipong pang primetime talaga. Engrande, magandang paglalahad ng istorya, bakit hindi 'di ba? Kung nagagawa ng mga kapitbahay natin, 'di ba natin iyon magagawa? Siguro nga medyo salat tayo sa pananalapi upang maisakatuparan ang mga nasabing layunin. Kailangan muna nating punan ang mga simpleng pangangailangan ng isang tao.
Sana makamit ng ating idustriya ang nakamit ng ating mga kapitbahay...