Frustrations of a Frustrated Writer

frustrations,grievances,piece of my mind

Friday, November 23, 2007

Song Dedications

Hulaan mo naman kung nasaan ako ngayon...nyahahaha..andito ako ngayon sa CoE Lab office at nakikigamit ng PC para makapagpost dito sa Multiply blog ko...

Referring to the title,bakit nga ba iyan ang naisip kong title?Kasi kanina pa kami nagkakantahan dito. Eh ayun,pinagtritripan kasi ni Mam itong si Drin at ayun,kinakantahan ng mga panama na kanta. Kung alam lang ni ma'am eh ako rin natatamaan (ashushu!hahaha)

If ever that I would dedicate songs to the "ones" that were special to me,ito siguro yung mga yun:

For Oppa: Friend of Mine....dumating na ako sa point ng kanta na "I know friends are all we ever could be"...tanggap ko na we can never be...although he still remains a very special part of my life,I know na talagang hanggang dito na lang ang lahat...haaayz...hahaha...he is such my ever sweet friend...hehe

For Sunday?Ang dami eh.Actually dalawa lang (dami ano?) Yung isa is a korean song entitled "Na Ppeun Sa Ram" which literally means "Bad Person"...hehehe...wala lang..hindi naman talaga ako naghohold ng grudge against that person kasi wala namang dahilan di ba?Kaya lang it still hurts eh. Tsaka yung isa ay "Someday". Haaay napaka-cliche ng kanta pero as "Oppa" may say, the song really speaks to me....Haay,I really wonder kung bakit masakit pa rin....grrrr....nyek!hahaha...nan cheong mal micheosso...

Tuesday, November 13, 2007

Kawindangan day ever....

Kawindang windang talaga ang araw na ito...whew!

Super mixed ang mga naramdaman ko grabe...

Nung mga medyo maaga-aga,light pa yung mood kasi parang wala lang,ordinaryong araw..kaya carry lang..

Nakuha ko na nga pala yung bracelet na gawa ni ma'am Cyrel (thanks!)...cute!I love the color...it's red!hehehe

May assignment nga pala kay sir Jaye. At siyempre, may seatwork yan na katambal. The weirest thing that happened is that I was reluctant to cheat. Even if I had the whole time before the class to write whatever it was on my assignment, I didn't do it. It seems that my conscience is getting stronger now (hahaha....why?was it ever weak before?)

Ayun wala na naman si Ma'am Ruiz kaya halos 3 weeks na akong every TTh na nakaformal...hahahaha...

At ito na ang simula ng pinaka nakakawindang na pangyayari sa buhay ko ngayong araw:

Edi umuwi na ako galing school.Inabot na ako ng 8 kasi trip ko na may kasabay pauwi kahit man lang sa madilim na daan ng Intramuros. Sumakay ako ng isang fx. Sa may bandang Roosevelt sa Quezon Ave, naflatan kami. E nakabayad na ako kaya hinintay ko na lang na matapos ni manong ang pagpapalit ng gulong. In fairness naman less than 10 minutes lang tapos na magpalit si manong. Habang nagpapalit siya ay napansin ko na medyo maraming ambulansya at kapulisan na patungong norte. Yung mga ambulansya pa man din galing ng Red Cross. Deadma lang ako pero medyo na-alarma ako. Feeling ko may aksidente o pagsabog. Pati nung nasa may UP na ako may mga bumbero naman. Tapos napansin ko doon sa may Malvar Hospital na ang daming ambulansya. Edi nagtext ako sa tatay ko na tumawag siya. Kinabahan ako na malay ko ba na may vehicular accident or whatever. Nung tumawag ako nasa may Sandigan na ako. Sabi ng tatay ko na may sumabog daw sa Batasan. Akala ko naman sa may congress lang. Iyon pala sa loob mismo. Grabe,nawindang ako. Imagine, sa loob mismo ng congress sumabog?Whoa....

Ayan sabi sa news ngayon may bahid politika daw. May namatay na nga ngayon eh. Dalawa na ang isa doon ay Congessman.

Kung papairalin ko ang mala conspiracy theory na utak ko, sasabihin ko na kagagawan ito ng gobyerno. Pati yung sa Glorietta kakagawan nila. Hindi ko maielaborate kung paano pero basta. Wala lang,naalala ko lang kasi yung post ko dito na TUSO ang gobyernong ito.

Pero siyempre,hindi naman talaga ako conspiracy theorist. Ginawa ko lang yung statement na yan in a conpiracy theorist's point of view. Sa akin,ipagdadasal ko na lang ang mga nasugatan at ang kapayapaan sa bansa. Our country is in dire need of prayers. We should all pray and ask God for guidance.

Sunday, November 11, 2007

Where is the love?

Paraiso....

Seriously, I don't find any point to make this post in my blog..

It just really sucks nowadays...

I miss the days when I was so inspired...even if I know that it was just a one sided love affair, I feel very much alive and in love

Maybe that is why the title of my entry is "Paraiso"...

I can tell that if I could just see a spark of hope, like that of the one that sings in this song that if ever he sees a single bird how happy he would be,it would bring much consolation to my tired and tattered soul...

Is it my soul that is tired and tattered or is it my heart?

Lately, it seems that I don't feel the "kilig" in love anymore..

Is it because my heart had too much to handle that the only feeling that it knows is melancholy or my body is just following Maslow's theory (I have an infecion in my finger)..

Arghhh...this just doesn't make any sense at all...

Iyan...iyan ang ginawa ko kani-kanina lang bago ako magpost...

Siguro mas ginanahan ako ngayon na magkuwento ngayon ako ay online na (o dahil may narinig akong love song?)

Ayan nga, naisaad ko sa entry ko na wala akong maramdaman...napagod na ba ako?Hindi ako alam..

Alam mo yung feeling na kinikilig ka dahil sa napapanood mo?Hindi ko siya maramdaman...

Alam mo yung dapat na magselos ka o kaya kumirot man ng konti yung puso mo dahil yung mahal o minahal mo ay may bago nang mahal?Hindi ko siya maramdaman...

Hindi ko alam kung sign ito ng maturity o kaya napagod na ang damdamin ko...

Kaya yung title ng blog ko ay Where is the love?..nasaan na yung love na inaakala ko noon...

Siguro nga mas natututunan ko na ang love on a higher level...

It is not the love that I can't feel..it is the romance...romance which is quite an earthly feeling..romance which is granted by the Lord so as to foster pro-creation among humans..

Waaah!Is this me?Wala nang urge ang katawan ko para sa romansa na hindi ko naman naramdaman sa buong buhay ko?O sadyang...totoo ang hinala ko na...secret!Baka mapurnada eh..hehehe...

I can still love,but it is romance that I cannot have...ayun natumbok ko rin...whew...