1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
- Hmmm....di ko siya masyadong trip pero masaya yung mangolekta ng POG...binalik nga yata yun sa mga bata lately pero wala nang genuine cap na ginagamit..waheheh...pero nakapaglaro din naman ako ng tex
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
- di ko siya kinocollect...di ko nga maintindihan yung comics dun..wahahaha
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
- hmm..mabait naman mga bata dito sa amin...walang nagtitirador..wahehe
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
- naman!saya kaya noon...gaganda...wahahaha
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
- oo...pauso yan
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
- wow sosyal may videohan sa sari-sari store?walang ganyan sa malapit sa amin...pero oo uso nga yang Street Fighter...kahit di ko maintindihan paano laruin yan eh natutuwa ako kay Chun Li dahil babae siya
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
- noong bata ako ang tatay ko ang nagturo sa akin ng watusi...pero pinagbawalan din niya ako..mabait akong bata kaya sumusunod ako..wahahaha
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
- gusto ko noon niyan eh..kaya lang poor lang kami kaya wala..huhuhu
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
- hmm..wala eh
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
- oo..sapilitan yun..wahehehe
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
- oo..wahahaha...tapos noong bagong labas yung johnson's alcohol talagang sabi ko na less ang hapdi niya kasi mabango kaysa sa family alcohol..wahehehe
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings.
- oo naman...wahahaha
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
- walang pera eh...tsaka di ko trip...mas trip ko ang doll house..wahehe
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na
- oo...wahaha
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
- oo meron...wahahaha...the lion king pa nga yun eh
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
- oo...wahaha
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
- yun o...sashikibuta...yung baboy...wahahah
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may
advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
- lahat yan nalaro ko...except yung magkaroon ng game boy...poor lang kami eh..wahehe
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
- oo naman...sa Stella may natatanging laro na ang pangalan ay Monday-Tuesday (agree?) kaya alam mo talaga ang days of the week..wahahaha
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
- hindi eh...pero uso yang mga expression na ganyan
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming
attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
- oo sikat ka...kaya lang wala akong ganyan
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
- baduy kaya...adik nga tatay ko noong kinder ako..picture kasi ni Manilyn Reynes yung nasa notebook ko..tapos ginawa niya, pinalit niya yung picture ko habang nakanta sa stage...wahaha
23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
- coleman yan...oo..wahaha
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
- Baby-G na ja-pake...oo..nakabili ako..wahaha
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
- di naman pumatok sa amin yang pager...
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
- di ko na alam kung nasaan na yun..wahahaha
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
- meron kami noon Atari...ang laro doon Pacman
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
- brick game at tamagochi..wahehe
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
- oo naman..wahahaha
30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
- theme song?grabe naman...pero ngayon ko lang nalaman na What's Up pala title nun..wahahaha
31. Sumasayaw ka ng Macarena.
- sino ba hindi?unless pinanganak ka post 1996
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
- wala akong poster pero may casette ako.wahahaha
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
- di naman fanatic...wala...di ko sila trip
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
- oo..medyo..wahaha
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
- oo..wahahaha
36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
- oo!hahaha...in fairness para ng memorized ko pa yata yung action ng Jubilee Song..wahahaha...tatlong taon ba naman na weekly niyo kantahin...
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
- uu..dagdag mo pa yung mga sentai
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
- oo naman!mga paborito ko lahat yan!.."tayo na...sa sineskwela".."gusto kong liparin ang tayog ng ulap...gusto kong sisirin ang lalim ng dagat".."ikaw ang unang nagbuo ng bayang
pilipino...ikaw ang unang lumaban sa pananakop ng dayuhan"...
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
- naman!
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"
- di ko naman niloko...pero nakakatawa...wahahaha
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
- oo..wahahaha
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
- oo naman!Standing Room Only nga noong first day ng showing niyang Sarah ang Munting Princessa...wahahaha
43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica
Panganiban.
- oo..with matching songs pa yun..hahaha
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
- hahaha...puwede!
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
- wala akong alam na isyung ganyan..wahahah...basta Batibot...wahehehe
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo..
apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo...
labingapat-labinglima...
- oo naman...hahaha...
47. Napanood mo ang Batang X.
- oo...nandidiri pa nga ako doon sa isang bata na parang natapunan ng intestines ng baboy..wahahaha
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
- wala akong yaya...pero nood to the max ako noon...nirerecord ko pa yun sa vhs..
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".
- oo naman!lahat yan!
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
- di ako galit....dati nga yang Mara Clara eh sa hapon tapos ginawang primetime
51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.
- hindi eh...solid ako sa telenovelas noon..whaahah
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
- wala ha...
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."
- oo...wahehehe...tapos yung carlo si patrick garcia..
54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".
- hindi yun thank god...I love you Sabado...wahahaha
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
- oo...dun ko sila sinubayabayan....nung lumipat sila...wala na...wahehehe
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
- basta ako noon bahala na
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
- tama...at hindi pa uso na dubbed yun...may nalipad pang mga intsik...wahehehe...
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
- hindi ako nanonood nun eh
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."
- tama...nauso yung kanta ni Elton John
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
- oo..wahaha
61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.
- dyusko pati nga yung "sketching scene" nila eh hindi ako pinagbawalan..wahahaha